Warning: Contain Mature Scene. Take your own risk in reading. - (Solace) "Santie, hintayin mo naman ako." reklamo ko. Hindi ko na talaga kaya ang pagod. Sa tingin ko, malapit na akong maubusan ng hininga. Huminto ako at halos habol ko ang paghinga ko. Huminto naman sya at lumingon sya sa akin. "We are almost there." nakangiti nyang sambit. Pero, humihingal narin sya. Pawis na pawis narin sya na tulad ko, pero sya ang guapo parin nya tignan at tila ang bango parin. Ako, sa tingin ko, para na akong taong grasa dahil sa magusot kong buhok at ang baho ko narin dahil sa pawis. Sobra pa naman akong pawisin dahil sa katabaan ko. "Kanina pa yang sinasabi mong 'we are almost there' Santie. Talagang sasamain kana sa akin. Ganyan din ang sinabi mo 10 minutes ago." Tinawanan lang nya ang sinabi

