(Solace) Nakaupo ako sa upuan nasa gilid ng kama ni Catriona. Sabi sa akin ng doctor na ligtas na daw ang kalagayan nya. Marami daw dugo ang nawala sa kanya pero nasalinan na daw sya ng dugo. Dito agad ako sa hospital dumiretso dahil gusto kong masiguro ang kalagayan nya. Napatitig ako sa kanya nang gumalaw sya at unting- unti nyang ibinuka ang ma mata nya. "S-Solace?" sambit nya sa pangalan ko. "Oo. Ako ito. Were safe now Cath. Pareho tayong nakaligtas." "T- Thank you." "Sabi ng doctor, safe na rin daw ang baby mo." nakangiti kong sabi sa kanya. "B- Baby?" "Oo. Buntis ka." napakunot- noo ako. "H- Hindi mo alam?" Nakita ko ang pamamasa ng kanyang mga mata at ang tuluyan pagtulo ng ilang butil nyang luha. "Si Mr. X ang ama ng ipinagbubuntis ko Solace. Demonyo ang ama ng batang nas

