(Solace) "Solace, are you okay?" tanong ni Santie sa akin. Nasa kotse kami at pauwi na. Kanina pa ako tahimik. Ayaw ko munang makausap sya. Ayaw ko munang makausap ang kahit sino. "Do you think I am okay? Sa tingin mo okay lang ako matapos kong marinig ang lahat ng ikinumpisal ng mga kinilala kong magulang kanina." sarkastik ko na sagot. Inihinto nya ang kotse. Saka sya napatingin sa akin. Binawi ko ang paningin ko sa kanya. Narinig ko ang pagbugtong- hininga nya. "I'm sorry." aniya. Napatingin ako muli sa kanya. "Sorry? Sorry for what? Dahil sa nagsisinunggaling ka rin sa akin. Matagal mo nang alam na hindi ko mga magulang ang mag- asawang Montemayor, but you didn't bother to tell me. You betrayed me too." "I'm sorry, Solace. But you have to understand that I don't have the rig

