CHAPTER 29 ALTHEA'S POV Tuloy-tuloy ang ginagawa kong pagta-type. Sa totoo lang, bumabagsak na sa antok ang mga talukap ng mata ko kahit na magtatanghali pa lang. Over naman kasi si Craige. Hindi na ako magtataka na hindi man siya mawawalan ng lakas kahit patakbuhin siya mula condo namin hanggang dito sa kompanya ni Sir Mateo. Parang ang dami niyang stock na energy. Lumingon ako sa gawi ni Craige habang nagta-type parin ang kamay ko. Tahimik na nagta-type din siya. Alertong-alerto siya at hindi siya mukhang inaantok. Samantalang ako, mukha na akong panda. Magandang panda. Mag pole dancing kaya ako? Or rather si Craige ang pasayawin ko sa pole ng magising ako. Sigurado akong lahat ng natutulog na nerves sa katawan ko magigising. No doubt about that. Tumingin ako ulit doon

