CHAPTER 46 ALTHEA'S POV Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang napapatingin ako kay Craige na nakakunot ang noo habang tinitake ang order ng grupo ng mga lalaki na pabago-bago ang isip sa gustong i-order. Mukhang nawawalan na siya ng pasensya pero pinipigil niya lang magalit. Suot niya ang uniform ng The Camp at hindi lang ako ang napapatingin sa kaniya dahil kahit si Yale kanina ay napanganga kay Craige. Bagay kasi na parang hindi. Lahat naman kasi bagay kapag si Craige ang nagsuot. Kaso may something sa kaniya na hindi mo iisipin na isa lang siyang empleyado dito. "Miss?" Napapitlag ako nang biglang may nagsalita. Tinignan ko ang babae na kasalukuyang mukhang naiinis na sa akin. Ngumiti ako ng pilit at inilista ko ang mga order niya. Eh sa nadidistract ako eh.

