CHAPTER 4
ALTHEA'S POV
Pumasok ako sa loob ng bahay ni Craige ng hindi na ako tumutulo mula sa nakakahiyang pagkakabulagta ko sa pool niya. Dumaan ako sa pintuan sa kusina at naabutan ko siya na kumakain parin.
Kinakain niya ang nagpapanggap na adobo na niluto ko. Pinapapak niya iyon at tumaas ang kilay ko ng makita kong may isang buong kamatis siyang kinakagat. Bagong style ba yon ng pagkain ng adobo? Mukhang sarap na sarap naman siya dahil hindi niya nga ako napansin na pumasok sa loob ng kusina.
Nag-angat lang siya ng tingin ng kinuha ko ang baso ng tubig sa harapan niya at uminom.
Umangat ang gilid ng labi niya habang nakatingin sa itsura ko. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Alam kong hindi kaaya-aya an itsura ko ngayon. Nakasuot na sakin ang t-shirt ko at mukha akong basang-sisiw.
"Tinitingin-tingin mo diyan?"
"Nothing."
Tinignan ko ang chicken. Mauubos na yon at parang wala pang balak tigilan ni Craige kahit na hindi naman kaaya-aya ang itsura non para kainin. Naiintindihan ko pa sila Adonis dahil mga bata ang mga yon. Eh si Craige... alien lang, hindi bata.
Binuksan ko ang mga cupboard ng hindi nagpapaalam. Nagugutom ako at ayokong kainin ang nagpapanggap na adobo na niluto ko.
Napangiti ako ng makita kong may mga jar siya na may lamang mga candies. May M&M's na puro kulay blue akong nakita. Merong wiggles, ang marshmallow na coated ng chocolate. Pumalakpak ako ng may makita akong familiar. Yakee bubblegum.
"Bakit meron ka nito?" tanong ko.
"Hindi akin yan. Dinala lang dito ng mga kapatid ko yan para daw kapag wala akong ginagawa kainin ko na lang."
Binuksan ko ang isang Yakee gum at inabot ko iyon sa tapos ng kumain na si Craige. Tinignan niya ang inaabot ko at parang ayaw niyang kainin. Pagkaraan ay kinuha niya na din iyon ng pilit ko na inilapit iyon sa kaniya.
Sinubo niya iyon. Inosenteng ngumiti ako ng magkandalukot ng mukha niya ng natikman niya ang lasa non. Kahit ako nung una kong kain ng Yakee halos maiyak na ako sa asim. "What the f**k-"
"Sarap?" tanong ko kay Craige.
"You..."
Napatili ako ng bigla siyang lumapit sakin. Akala ko kung ano ng gagawin niya kaya nagulat ako ng bigla niya akong kiniliti. Tawa ako ng tawa at pilit na nagpumiglas ako.
"Craige, damn it! Stop!"
Tumigil naman siya. Hinihingal na napasandal ako sa counter. Hindi siya nakangiti pero nakikita ko na kumikinang ang mga mata niya. Nakasimangot na lumayo ako. "Makaalis na nga. Nalinis ko na ang pool mo kaya aalis na ako at pupunta sa planeta ng matitinong tao."
"Hindi ka pa tapos."
"Wag mong sabihin na ipalilinis mo ulit ang pool mo at lulunurin na talaga kita Boss, Sir, Among Tunay."
"No. May ipapagawa ako sayo."
Bumuntong-hininga ako. Tumingin ako sa orasan. Kailangan ko ng umuwi dahil gagawa pa ako ng meryenda nila Adonis. Kung bakit naman kasi ngayon pa napagtripan ni Craige na paandarin ang pagiging tunay na alien niya.
Masama ang tingin na pinukol ko sa kaniya. Pero dahil nga may lahi ata siyang hollow blocks, hindi siya tinablan ng tingin ko. Itinuro niya lang ang upuan at nagdadabog na humakbang ako. Yung tipong sinasadiya ko ng diinan ang mga hakbang ko at balak ko pa sanang magkaroon ng dramatic na pag-upo.
Ang kaso napatid ako. Buti na lang napahawak ako sa table, kung hindi baka basag na ang mukha ko ngayon. Inirapan ko si Craige na napatawa saglit bago pilit niyang pinaseryoso ang ekspresyon niya. Umupo ako sa upuan ng may poise kahit na gusto ko ng sakalin si Craige.
Pilit na ngumiti ako. Pekeng ngiti na tinalo pa ang mga pekeng dibidi dibidi sa Divisoria.
"Umupo ka lang diyan. Yon ang utos ko."
"WHAT?-"
"Basta iyon ang gusto kong gawin mo."
"Sabi ko nga po Boss, Sir, Among Tunay. Anong gusto niyong gawin ko? Tititigan ko ba ang mga baso sa harapan ko at palulutangin? Gagawin ko bang mangga ang orange na to. O kaya susunugin ko na lang ang bahay mo-- I mean susunugin ko sa tingin ang mga kalat sa tabi-tabi."
"Umupo ka diyan at panoorin mo akong magluto."
"Ahh, cooking show? Balak mong talbugan si Boy Logro?"
Tinignan niya ako ng masama at ngumiti lang ulit ako. Nang tumalikod na siya, dinampot ko ang tinidor sa gilid ko at inamba ko sa kaniya iyon na parang sasaksakin ko siya. Minsan ang sarap talagang tusukin ng lalaking to. Yung tipong papatayin ko siya ng unti-unti gamit ang tinidor. O kaya iluluto ko na lang siya.
Napapitlag ako ng bigla siyang humarap sakin na parang nararamdaman niya ang ginagawa ko habang nakatalikod siya. Infairness, ang lakas ng pakiramdam niya. "What are you doing... with that fork?"
"Ang kati kasi ng ulo ko."
Pinakita ko pa sa kaniya na ikinakamot ko ang tinidor na sa gulat ko kanina ay basta ko na lang itinapat sa ulo ko yon at ipinangkamot. Ngumisi ako at nag-beautiful eyes.
Kumunot lang ang noo niya at ipinagpatuloy niya ang pagluluto niya ng kung ano. Nangalumbaba ako at pinanood ko siya sa ginagawa niya. Aware ako kung paano maghumiyaw ang mga muscle niya kapag gumagalaw siya. Yung tipong gusto mong magpayakap na lang at hindi na umalis--
Ugh! SAVE ME FROM TEMPATATION! Hindi ako pwede sa lalaking alien na to dahil wala akong plano na malahian at magkaanak ng alien.
Pinanood ko lahat ng ginagawa niya. Habang nakatingin sa niluluto niya, kinuha niya ang cellphone niya at may kinausap. After a few minutes, nakatulala na ako sa kaniya habang kinakapa ko ang jar sa harapan ko at kumain ng chocolate.
Napansin ko na pancake pala ang niluluto niya. Mukha namang hindi sunog at normal lang ang itsura non. Napakagat-labi ako ng ibinaligtad niya ang pancake. Kaya kitang-kita ko kung pano gumalaw ang muscle niya. Ano kayang feeling kapag hinawakan ko iyon. Tapos yayakapin ako ng mga braso niya. Tapos... tapos yayakapin niya ako habang--
"AAAAAAHHH!"
Napatalon si Craige ng bigla na lang akong sumigaw. Humagis papunta sakin ang pancake at hindi na ako nag-isip at basta ko na lang sinalo iyon.
"Aray! Aray! Craige, anak ng alien ka! Ang init!"
Nagmamadaling kumuha siya ng plato at inilagay don ang pancake. Hinawakan niya ang kamay ko na namula at napatigil ako sa pagkilos ng hinipan niya ang kamay ko. Parang ngayong sandali na to hindi siya ang Boss ko na goal ata sa buhay ang paputiin lahat ng buhok ko. O kaya bigyan ako ng cancer sa utak dahil sobrang nakukulta na ang utak ko sa kaniya.
Lumayo siya sakin saglit at may kinuha sa cupboard. Lumapit siya sakin pagkaraan at may ipinahid sa namumula kong mga daliri at palad. Hindi naman masakit ang kamay ko. Masyado lang mainit iyong pancake. Pero hindi ko magawang masabi sa kaniya na okay lang ako dahil gusto ko na hawak parin niya ang kamay ko.
Nag-angat siya ng tingin at nagsalubong ang mga mata namin. I tried to look away but I can't. It's like I'm trapped to his eyes. His hand moved up, to cup the side of my face. Trailing his fingers on my cheek. His head moved towards me and my eyes automatically closed. I felt his lips brushed against mine. My eyes snapped open and I moved away from him. I tried to hide my face but he just tilted my head to look at him and then, he kissed me again.
His lips were soft and he slid his tongue on my bottom lip. Coaxing my lips to open up to him. When I gasped, he plunged his tongue inside my mouth. Entangling his tongue on mine -exploring my mouth.
"Excuse me? Hello world?"
Mabilis na naghiwalay kami ni Craige at halos mahulog pa ako sa kinauupuan ko sa pagmamadali kong makalayo sa kaniya. Nilingon ko ang nagsalita at nagulat ako ng makita kong nasa pintuan si Cloak at Fierce habang nakatakip ang mga kamay nila sa dalawang bata na nasa harapan nila.
Namula ang mukha ko ng nanunukso na tinignan kami ni Fierce.m"O, kids pwede na. Wala ng SPG." anunsyo ni Fierce.
Tinanggal nila ang pagkakatakip nila sa mga mata nila Hermes at Adonis na parang wala lang na umupo sa upuan. Pumasok narin sila Fierce. Tahimik lang as usual si Cloak.
"Ano yong nakita namin? Buti na lang pala at ready kami agad ni Cloak. Akala ko pa naman nagluluto kayo para sa meryenda nitong dalawang batang 'to kaya pinapahatid mo dito, Craige," aniya Fierce.
"Ano kasi... Amm... Ano-"
"Napaso kasi si Althea." paliwanag ni Craige.
Tumango-tango si Fierce at ngiting-ngiti parin na nakatingin samin. May pakiramdam ako na kakalat na 'tong nangyari ng wala pang labing-limang minuto pag-umalis na sila Fierce. Masyadong malakas ang wifi ng mga tao dito pagdating sa mga tsismis tungkol sa mga agents.
"Cloak, tignan mo, ganoon pala ang gamot kapag napaso. Bakit ba napaso si Thea?" tanong ni Fierce.
"Kasi tumalsik ang pancake na niluluto ko." sagot ni Craige.
"At sinalo ng labi ni Thea."
Parang umakyat lahat ng dugo ni Craige sa mukha niya sa sobrang pula ng mga iyon. Alam ko din na namumula ang mukha ko sa mga pang-aasar ni Fierce. Tinignan ko si Craige at tumikhim siya habang pilit na pinaseseryoso ang mukha niya. Kinuha niya na yung mga nalutong pancake at nilagyan ng peanut butter at ice cream. Maganang kumain ang mga bata.
Lumapit si Fierce at akmang kukurot ng pancake. Ang pancake na sinalo ko kanina at dahilan kung bakit nangyari ang napaka-hot na halik ni Craige. "WAG!!"
Inagaw ko ang pancake at kinagatan ko kaagad. Nawe-weirduhan na tinignan niya ako pero pagkaraan ay mukhang naiintindihan na niya na may sentimental value sakin ang pancake na iyon. Kumuha ako ng peanut butter at nilagyan ko ang pancake na sanhi ng masarap na halik na yon-
Nagluto pa si Craige na mukhang umiiwas lang na intregahin ni Fierce. Tahimik na kumain ako pero umupo sa tabi ko si Fierce at dinunggol-dunggol ako ng siko niya.
"Fierce.."
"Anong feeling?"
Inilagay ko ang hintuturo ko sa tapat ng labi ko at pinigilan ko siyang magsalita. Hinila ko siya palabas ng kusina papunta sa living room kung saan hindi kami maririnig ng makamandag na tenga ni Craige na sensitive kapag siya ang pinag-uusapan.
Hinihingal na pabagsak akong nahiga sa couch habang umupo naman sa isa pa si Fierce. Ngiting-ngiti siya habang nakatingin sakin na parang iniintay akong magsimulang magkuwento. Bumuga ako ng hangin at tumingin ako sa chandelier ni Craige.
"Ang sarap palang humalik ng alien na yon.." pasimula ko.
"Eiii! Tapos? Tapos?"
"Tapos parang ayoko ng tumigil siya. Kung hindi lang kayo dumating baka- KASI NAMAN! BAKIT KAYO DUMATING?!"
Humagalpak ng tawa si Fierce at napatakip naman ako sa bibig ko. Sumilip ako sa kitchen at mukhang wala namang nakarinig sakin. O mas tamang sabihin na pinapaniwala ko ang sarili ko na walang nakarinig.
Dumapa ako at inuntog ko ang sarili ko sa sofa. "Bakit ba ako laging napapahiya sa harapan ng alien na yon?"
"Siguro kasi na te-tensyon ka kapag nakikita mo siya."
Sumimangot ako. Hindi naman ako kinakabahan kapag nandiyan siya dahil gusto ko nga yung nakikita ko siya para may araw akong masira. Ang kaso, favorite ata siya ng mga diwata sa kung saan-saan kaya laging ako ang napapahamak.
Naalala ko na naman ang pagkabagsak ko sa pool. Pati na ang pagsalo ko sa pancake.
Kung hindi pa malas ang tawag don, eh ano? Tinignan ko si Fierce na matiyagang nag-iintay ng sasabihin ko pero pakiramdam ko alam na niya ang nangyayari. Ganoon ba ang mga may asawa na? Malakas masyado ang mga instinct sa mga bagay-bagay?
"So ano ng status niyo ngayon? Single? Married? In a relationship?" sunud-sunod na tanong ni Fierce sakin.
"It's very very very complicated."
"Why?"
"Alam mo naman na hindi pwede. May mga extra baggage sa buhay si Craige na hindi ako pwedeng makiangkas pa. At saka, niliwanag niya narin sakin iyoon dati. Baka temptation lang ako sa pagtatangka niyang mag-monghe," mahabang paliwanag ko.
Nakakaunawang tinignan ako ni Fierce. Kung sabagay, marami din silang pinagdaanan ni Cloak noon. Pero magkaiba din ang sitwasyon.
Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis. Padapang sumubsob ako sa sofa. Naramdaman ko na hinagod ni Fierce ang buhok ko at tumango-tango lang ako na parang hinahayaan ko siyang kalmahin ako.
"Ang tanga ko talaga Fierce. Akalain mong nagpahalik ako sa super sungit, super manhind, super walang emosyon, super na super na super na super galing humalik-- Ugh! See that? Wala na akong matinong masabi. Rumble rumble na ang utak ko at dahil iyon sa alien na yon!"
Kinalma ako ulit ni Fierce. Buti na lang nandito siya kung hindi, baka nakapatay na ako or rather napatay ko na ang sarili ko sa kabaliwang ginawa ko. Sumigaw ako pero hindi rinig iyon dahil natatakpan ang bibig ko sa pagkakasubsob ko sa sofa.
"Bakit kasi ngayon pang panahon na 'to nabuhay ang katawang lupa ko? Makita ko pa lang ang muscles niya parang gusto ko na siyang r**e-in, alam mo yon? Hindi pa naman siguro ako nagme-menopause para maging alerto ang mga cells ko sa katawan."
Hindi sumagot si Fierce. Mabuti narin iyon dahil ang kailangan ko lang ay ang taong makikinig sa mga sentimyento ko sa buhay. Kaya dahil nandito siya, siya na muna ang guguluhin ko ng magulo kong buhay.
Nagkikisay ako sa sobrang inis ko sa sarili ko. "Bakit? Oh bakeeet? Bakit ba ako pinaparusahan ng ganito? Pagsubok ba 'to dahil kailangan ko na talagang ipasok ang sarili ko sa kumbento? May f*******: ba don?"
"I don't think so."
Napasinghap ako at napaupo ako ng wala sa oras. Para akong nag-gymnastic sa bilis kong umupo. Hindi ko alam na may future pala ako sa larangan na yon.
Nanglalaki ang mga mata ko ng si Craige ang nakita kong nasa tabi ko. Lumingon-lingon ako at napansin ko na wala na si Fierce. So kanina pa na siya... siya... siya ang nakarinig sa lahat ng sinabi ko?
"N-Narinig mo ba?" nauutal kong tanong kay Craige.
"Ang alin? Na sinabi mong alien ako, napakasungit, manhid, walang emosyon at super galing humalik?"
Tumingin ako sa ceiling. Lord! Favorite Niyo ba talaga 'tong taong 'to? May mga angels ba diyan na may crush kay Craige? Tinignan ko si Craige at nakaangat ang gilid ng labi na hinaplos niya ang pisngi ko. Pagkaraan ay sumeryoso siya habang nakatingin sakin. Pakiramdam ko hindi ko gugustuhing marinig pa ang mga sasabihin niya. Pero hindi ako umalis...siguro kalahi ko si Rambo. Walang atrasan.
"I love that kiss. And I love to kiss you." pasimula ni Craige.
"But?"
"But I shouldn't. Kilala mo ko. I can't give you that something that I know that sooner or later, if we keep this going, ay kailangan kong ibigay sayo. But you know I can't right? I can't love anyone else-"
Nakangiting pinutol ko ang iba pa niyang sasabihin. "Boss, Sir, Among Tunay. Spur of the moment lang iyon. Walang meaning okay? At saka hindi ako maiinlove sa masungit, manhid at walang emosyon kong boss."
"Good."
Ngumiti ulit ako at tumayo na papunta sa kusina. Pero habang naglalakad ako unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi ko. I don't love him, not yet. I just hope that this damn heart hold its feelings before it's too late.
That's right. Never fall... never fall for him.