CHAPTER 34 ALTHEA'S POV Napabalikwas ako ng bangon nang may biglang kumatok sa pinto. May narinig akong tumawa, si Craige. Nakatayo siya sa may bintana habang may hawak na tasa ng kape. Nakasuot lang siya ng pajama pants, sa taas...wala. Sheyt! Ang hot! Hinila ko ang kumot para matakpan ang katawan ko. Hindi na kasi kami nakalabas kagabi. Masyado na kasi kaming naging 'busy'. Binuksan ni Craige ang pinto at nagtakip na lang ako ng kumot hanggang sa ulo ko. I want to sleep, I'm tired and I want Craige. Parang hindi akma ang combination. "Si Thea yan diba?" tanong ni Andreige. "May iba pa ba?" "Baka lang ginapang ka ni Cassandra- aray!" "Walangya ka talagang lalaki ka! Humanda ka sakin! Papatagin kita hanggang maging carpet ka!" naiinis na sigaw ni Cassandra.

