Chapter 9

1031 Words
After that call she keep herself busy reviewing the project of Dale's company. Tok tok tok. Tatlong katok sa pintoan ang nagpatigil kay Jade sa kanyang ginagawa. She remove her eyeglass at sumandal sa kanyang swivel chair bago pinahintulotan ang kumakatok na pumasok. "come in" Iniluwa noon ang kanyang boss na may bitbit na dalawang plastic bag. Tingin niya ay pagkain yun dahil kumalat sa kanyang airconditioned na opisina ang amoy nun. "late lunch?" turan nito at inilahad pa ang dala dala Napatingin sya sa kanyang relo dahil sa sinabi nito, napahawak siya sa noo alas dos na pala ng hapon. Hindi na niya napansin ang oras. Ganito naman siya palagi pag may trabahong ginagawa kung walang tatapik sa kanya para mag break o kumain ay hindi siya tumatayo o lumalabas man lang. Nasanay na rin siya sa gesture nitong si Michael na ganoon na bigla bigla na lamang uulpot at may dalang kung ano anong pagkain sa kanyang opisina. "hindi ko na napansin ang oras" sagot niya habang hinihilot ang kanyang batok nakaramdam siya ng pangangalay sa tagal na nakatungo dahil sa pagbabasa sa mga dokumentong kaharap. "i know kaya nga nagpadeliver ako. Sabay na tayong kumain, hindi pa rin ako naglalunch e nadamay na ko sa bad habit mo" turan nito na may kasamang panenermon habang inilalapag sa center table na nasa harapan ang mga pagkaing dala dala. Tumayo naman si Jade sa swivel chair at lumigid papunta sa couch kaharap ni Michael. Hindi pa man siya tumatagal ng pagkakaupo ng may kumatok na muli sa pinto. Sabay silang napalingon ni Michael don. "May ineexpect ka bang dadating? Sabi ng secretary mo clear ang schedule mo ngayong araw?" tanong sa kanya nito Napailing lang si Jade. Kahit siya ay wala ding inaashan na dadating sa mga oras na yun base sa schedule niya na pinasa sa kanya ng kanyang sekretarya. Ang alam lamang niya ay yung 5pm na kinancel nga niya. Umiling lang siya akma na siyang tatayo ng pigilan siya ni Michael at siyang tumayo upang alamin kung sino ang nasa labas. "Sir nandito po sir Evans may appointment daw po siya kay Maam Jade pero sinabi ko po na cancel yun kaya magpa schedule na lang ulit siya pero sila daw po ang magkausap kanina kaya hindi na daw po kailangan na na magpa schedule siya ng appointment" mahabang paliwanag ng kanyang sekretarya kay Michael. Naalala niyang sinabi nga pala niya na pwede itong pumunta anytime ngayong araw wag lamang ang oras na gusto nitong oras. "Okay, just tell him to wait we just have to finish our meal first" maawtoridad na sagot ni Michael sa kausap. "Copy Sir" magalang naman na sagot ng babae. Saka ito bumalik sa kinauupoan at saka kumuha ng pagkain. Jade is about to take her first bite when Michael speak. "I sense something is not normal between you and Dale" Napataas ang tingin ni Jade sa lalaking nasa harapan na mataman na nakatingin sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay bago nagsimulang nagsalita. "anong sinasabi mo?" patay malisya niyang tanong dito saka sumubo ng beef stake na nakatusok sa kanyang tinidor. "It just make sense now, you know what noong first meeting namin ni Mr. Evans parang nakita ko na siya sa isang lugar na hindi ko maalala, kanina nagsabi ka sa akin na ayaw mo hawakan ang project ng kompanya niya at sobrang bago sa akin na umayaw ka sa trabaho it leads me to reconcile where i met Mr. Evans and i found out na sa kasal ni Kristal ko siya nakita it means maybe magkakilala talaga kayo and now nandito siya kahit wala siyang appointment dahil daw magkausap na kayo kanina sabi ng sekretarya mo" matalinong paliwanag sa kanya nito. Napainom na lang siya ng tubig. Iba talaga mag isip ang kaibigan niyang ito mukang wala na siyang maiitago rito. Mataman itong nakatitig sa kanya na parang nag aantay ng sagot niya. She's off guard now. "You want to tell me something Ms. Madrigal?" nag uutos ang tono nito. Jade take another sip of water bago nagsalita. "you don't have to worry Sir whatever relationship i had with Mr. Evans it's nothing to do with your company. I'll make sure na magiging maayos ang trabaho ko" seryoso ding sagot niya. Hindi na nakapagtanong na muli si Michael at nagpatuloy na lamang kumain. May tiwala siya sa sinabi ng kanyang kausap. Wala naman itong salita na hindi niya ginawa. Sobrang devoted nito sa kanyang trabaho very professional ang pagkakakilala niya rito mula noon pa man. Kailan man ay hindi nito hinaluan ng personal na bagay ang trabaho. Malaking halimbawa na nga dito ang kanilang pagkakaibigan. Kahit na close sila at matagal na silang magkaibigan ay hindi iyon naging dahilan para mag pa petiks petiks ang dalaga sa trabaho dahil lamang kaibigan siya ng anak ng may ari ng pinagtatrabahohang kompanya. Pulido ito magtrabaho. Minsan ay nagkakasagotan sila at napapagalitan niya ito bilang taohan pag may trabaho silang hindi mapagkasundoan pero labas ang pagiging magkaibigan nila doon. Magiging mainit sila sa trabaho pero pagdating sa labas ay okay sila at magkaibigan. Hanga siya ugaling iyon ng kanyang kaibigan. Kaya hindi siya nangangamba na maaapektohan ang magiging trabaho nila dahil lamang mukang may kakaiba sa pagsasamahan ni Dale at Jade. Itinuon niya ang atensyon sa pagkain. JADE'S POV Hindi naman talaga ako dapat magpaapekto sa lalaking yun. This is purely work i should be professional here. Hindi ako papayag na masira ang record ko dahil lamang sa presensya ng lalaking yun. Ano bang dapat kong ikabahala? Alam ko na may nagawa ako sa kanyang kasalanan noon. But it was just a mistake hindi ko sinasadya na maging ganoon ang kahahantungan ng pagiging careless ko noon. And besides bayad na rin yun dahil sa sakit ng mga salitang sinabi nya sa akin noon dinamay pa niya ang mama ko. Kung tingin niya ay maaapektohan pa ako sa kanya nagkakamali siya. I don't endured the so much pain para lang mapatiklop ako ng isang kagaya niya. Oo malaki na ang nagbago succesful na siya hindi na siya ang Dale na kilala ko noon pero hindi ibig sabihin nun ay titiklop ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD