Sumalubong sa grupo nila Jade ang matinding usok, ingay at dami ng taong nagpaparty pagpasok na pagkapasok nila sa loob. Since it's Friday halos mapuno ang loob ng bar na pinuntahan nila. Dito sila dinala ni Anton pagkatpos kumain ng diner. Nakapag pa reserved raw ito ng isang VIP room na eksklusibo para sa kanilang magkakaibigan. Ayaw nilang mag inom sa maingay na pwesto ganon naman palagi ang gawain nila. Nauna ng pumasok si Jade at Kristal nagpaiwan saglit sa labas at Anton dahil may pag uusapan lamang daw. Pumayag naman ang dalawang babae at nauna ng pumasok. Mukang seryoso ang pag uusapan at kailangan ay hindi nila marinig kaya labas pa sila mag uusap?
Nakaupo ang magkaibigan sa isang sofang kulay black na leather ang texture. Kahit sobrang ingay sa labas ay wala silang kahit na anong ingay na naririnig mula roon. Dim light na kulay blue lamang ang tanging nagsisilbi nilang liwanag pero sapat na para magkakitaan sila.
"so how's the honeymoon?" nakangiting tanong ni Jade kay Kristal.
"Masarap" nakangisi namang sagot ni Kristal Napasimangot si Jade sa dating ng sagot nito hindi naman yun ang ibig nyang sabihin ang gusto niya malaman ay kung nag enjoy ito sa pagbabakasyon at kung nakapag relax.
"Gross" sambit lamang niya habang nakasimangot at napasandal sa sofa.
"what's gross huh!" sabay hampas sa kaibigan, akma niyang aabotin ang alak na nasa center table pero mabilis yun inagaw ni Jade sa kamay ng kaibigan.
"Hindi ka na iinom, baka mamaya may baby na dyan sa tyan mo" seryosong nyang turan sa kaibigan habang inilalapag sa lamesa ang bote ng alak
Napasimangot si Kristal at napahalukipkip dahil sa ginawa ng kaibigan.
"akala ko pa naman makakalusot since nasa labas si Anton, yan din laging sinasabi ni Anton pag nanight life kami sa Isla. Ang dami ko na agad adjustment na ginagawa wala pa kaming isang buwan na mag asawa" mahabang turan nito na halata ang frustration sa mga sinasabi.
"siguradong marami na rin namang adjustment na ginagawa si Anton para sa inyo at sa magiging pamilya nyo so don't be stubborn. Ginusto mo yan panindigan mo, kundi itatali kita"
Mag aalas dos na ng nagpasya silang umuwi. Hindi naman ganoon kadami ang nainom nila, puro kwentohan at tawanan lamang ang nangyari sa loob. Nauna ng umalis ang mag asawa lulan ng kanilang kotse. Si Jade naman ay sa kotse ni Michael nakasakay since along the way naman ang condo unit nya kung saan dadaan si Michael pauwi sa bahay nila. Hanngang ngayon ay palaisipan parin kay Jade kung anong pinag usapan ng dalawa masyadong matagal bago pumasok ang dalawa kaya sinundo na niya yun, nagtaka pa sya ng makitang biglang siniko ni Anton si Michael ng makita syang paparating at tumigil sa pinag uusapan nila.
"Anong pinag uusapan niyo ni Anton kanina?" usisa ni Jade habang ikinakabit ang kanyang seatbelt gusto niyang malaman dahil parang may kakaiba talaga syang nararamdaman sa dalawa.
Michael didn't answer, pero alam niya na narinig siya nito dahil bahagya itong napatigil instead he start the igniton and softly maneuver the car. Nang makalabas sila sa parking area ay sinilip ni Jade ang muka ni Michael seryosong seryoso ito na labis nyang pinagtatakhan. Ano bang nangyayari dito?
"Oy, may problema niya?" untag niya dito
Lumingon sa kanya ang binata at ngumiti ng hilaw. Lalo syang nagtaka.
"bababa ako pag di mo sinabi sakin kung anong problema mo" banta niya
Michael heaved a sigh before he speak.
"that Dale" marrin nyang sabi
"what about him? may naging problema ba sa project natin sa kanya?" nag aalala niyang tanong
"you didn't tell me" bakas sa boses nito ang frustarion.
Napasandal si Jade at tumuon ang tingin sa unahang daan. Mukang gets na niya. Marahil ay ito ang pinag uusapan ng dalawa kanina. Knowing Michael hindi ito titigil sa paghalungkat ng isang bagay na gusto niyang malaman.
"kung maaga mong sinabi sa akin hindi ko tatanggapin ang project nila" nag aalalang dugtong nito. "you want me to breach the signed contract?"
Napalingon ng marahas si Jade sa katabi. Nakatuon lamang sa unahan ang atensyon nito kahit magkausap kami. Pero bakas sa seryosong muka nito ang pag aalala.
"No, hindi tayo dadating sa point na ganyan. Maliit na bagay lang yun. Mga bata pa kami noon. Nakakagawa ng mg bagay na hindi minsan napapag isipin. And besides kasalanan ko naman kaya nya nagawa yun valid ang reason niya kaya niya ko napagsalitaan ng masakit and that's not even a big issue to me, it's just kasabay lang yun ng pagkawala ni mama kaya tumatak sa isip ko. But im okay now, naka move na ako matagal na nangyari yun at matagal ko na yun kinalimutan. Ako nga ang may malaking kasalanan sa kanya kasi i ruined his first relationship" mahang paliwanag ni Jade kay Michael, napapahanga sya ng husto sa kaibigan. Ganon ba talaga siya kahalaga dito para isipin na mag breach ng contract para lang sa kapakanan niya?
"Im just worried na baka maalala mo palagi ang mama mo pag nakita mo sya. I know you, lahat ng bagay na konektado sa mama mo ay nagiging masakit para sayo" saktong nasa stoplight sila kaya nagkaroon ito ng pagkakataon na humarap sa kanya.
"i can handle don't worry" pag aassure nito sa kaibigan. "I just see him as our client nothing more nothing less" dugtong pa nya saka ngumiti ng hilaw bago bumalik sa daan ang mga mata.
Yun nga ba ang nakikita niya? Isang beses pa lang nyang sinubokan na maging casual ang pakikitungo dito at aminado syang pilit na pilit yun. Hindi nya alam kung kaya niyang panindigan ang pakikitungo dito. How can she control her emotion? Hindi niya din maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang ang kabang nararamdaman niya twing nararamdaman ang presensya ni Dale. Imposibleng nabuhay na naman ang batang pag ibig na nararamdaman niya noon dito. Ang alam niya ay matagal na niyang ibinaon sa limot yun kasama ng sakit na naramdaman niya ng gabing yun.