Joy's POV Medyo mabait din naman pala ang anak ni Doc na pogi dahil pinatulog niya ako sa kwarto nang tito niya. Kaya lang ang sungit niya talaga, nang nakahiga na ako sa sofa ay nag text ako doon sa kinagat ko. Pero "No" ang sagot at pinagalitan na naman ako ni Sungit. Pinatay ko nalang ang telepono ko at ipinikit na ang aking mga mata, kaya lang pumapasok sa isip ko ang pagkamatay ni Inay at pagka hospital ni Ate kaya hindi ko maiwasan ang mapahikbi. "Bakit ka umiiyak?" Tanong ni sungit, sabi niya ayaw niya akong kausapin pero siya naman ang nauuna. "Nami miss ko lang ang Nanay ko." ko sagot ko na nag blow ng aking ilong at itinapon ang tissue sa basurahan na malapit sa akin. "Ang laki mo na para ma miss ang Nanay mo." "17 palang kaya ako, baby pa ako no." "Baby? eh pwede ka nang

