Beka's POV Mabilis kong kinuha ang aking bag at lumingon sa kanya na nakapikit pa rin. "Thank you Jace." Sabi ko na lumabas na. Pumunta na muna ako sa kwarto ko at kinuha ang ilan sa aking mga gamit. Tapos nagpadala ako ng Email sa director ng hospital na settled na si Jace at nagpa-alam na rin ako dahil wala na akong pasyente pa na ako lang ang pag-asa. May mga mayayaman na nakapila pero hindi ko muna sila aaaikasuhin. Miss na miss ko na ang inay kaya ngayon na din ako aalis. Paglabas ako sa aking kwarto ay nagmamadali akong naglakad sa pasilyo. Hanggang sa parang nakikilala ko ang aking makakasalubong. "Ate Bingggg!" Malakas na sigaw ko at natigilan siya, tinitigan niya ako at tinignan mula ulo hanggang paa. "B_bbeka ikaw ba yan?" Tanong niya na parang nagliwanag ang kanyang mukha.

