Jace's POV Agad kong sinalo si Beka at malakas na tinawag si Razon dahil tulala itong nakatingin sa mga kamay ni Beka na duguan. "Razon, dalhin natin sa hospital si Beka!" Sigaw ko habang buhat ko si Beka na nasa wheelchair. Namumutla siyang mabilis na itinulak ang akong wheelchair at habang tinutulak niya ako ay nakasunod na ang mga tauhan ko. "Sir ready na po ang sasakyan." Sabi ng isa, paglabas namin sa building ay bukas na ang sasakyan ko na may ramp. Agad na nakapasok ako sa loob at kalong parin si Beka na walang malay. Nakaupo si Razon na nakapikit at parang nanginginig ang kanyang katawan. "Razon, are you okay?" Tanong ko na napa hawak sa kanyang binti. Hindi parin siya sumagot at nang nakarating kami sa hospital ay pinaospital ko na din siya at nalaman ko sa doctor na nagkar

