Brandon's POV Hindi ako sanay na may alagain na bata pero napasubo na ako kay Beka. Nang makita ko ang mga grado niya ay parang gusto kong bumalik siya sa grade one. Iniwan ko nalang siya dahil stress lang ang aabutin ko sa kanya. Naligo na ako at nagdamit ng pambahay. Pagkatapos ay nag order ako ng dinner namin. I don't know if she can cook, galing siya sa probinsya sigurado ako na mga simpleng pagkain lang ang alam niyang lutuin. Hinintay ko na siya sa sala at habang hinihintay ko siyang lumabas ay tinawagan ko na ang aking sekretarya. Pagkatapos naming mag-usap ng sekretarya ko ay lumabas na din siya sa kanyang kwarto. Napailing nalang ako dahil naka pantalon at jacket siya sa loob ng bahay, yes sinabi ko na huwag siyang magsuot ng maiksing damit but not to the extent na maging oa n

