Beka's PoV Sobrang saya ko talaga ng sinabi ni Kuya na nakapasa ako, mahal talaga ako ni Lord. Pero nawala ang ang saya ko ng makita ko ang score ko. "Kuya paano ko na perfect yan?" Tanong ko na hindi makapaniwala. "I don't know, you are the one who answered it." "Kuya gising na gising si Lord nang may exam kami. Ang mahirap ay baka mag expect ang University sa akin dahil na perfect ko ang exam nila. Ako palang daw ang kauna-unahan na naka kuha ng 100% kaya may mga offer na sila sa akin. Nanlumo akong napa upo. Aalis pa man din si Kuya at maiiwan akong mag-isa. "Grab the opportunity Beka, Ang maging University scholar." Ani ni Kuya na tumayo ang mga balahibo na mayroon ako. Kung hindi lang siguro naka tali ang buhok ko ay baka tumaas na rin. "Kuya paano kung malaman nilang na chamba

