Chapter 121

2017 Words

Joy's POV Kasama ako ang aking Ate at asawa niya dito sa sementeryo. Ang hirap na iwan si Inay, namatay siya dahil may nanloob sa bahay namin at pinagtangkaan akong gahasain. Pinagtanggol niya ako at siya ay nasasak. Hindi ko nakilala yung lalaki dahil madilim at bago ako nawalan ng malay ay narinig ko na si Inay na humihingi ng tulong. "Tayo na bunso, sa akin ka na titira." Sabi ng Ate ko na naka-akbay sa akin. "Ate, paano mabigyan ng hustisya si Inay?" Tanong ko na hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng aking luha. "Kung batas dito sa lupa ay makaligtas siya, sa kabilang buhay siya sisingilin." "Hindi mo ba ako sinisisi Ate?" "Hindi, bakit kita sisihin. Kasalanan mo ba na may Rapist? kasalanan mo ba na kakaiba ka? Naiingit nga ako saiyo dahil ang ganda mo. Dapat iisa ang tatay natin."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD