Tonet's POV Napapasin ko kay Ninong na lagi siyang tulala. Kahit kumakain kami ay parang ang lalim ng iniisip niya. "Ninong, bukas papasok na ba tayo?" "Ha?" "Sabi ko po, bukas po ba papasok na tayo? "Hmm, yeah pero huwag ka na munang mag luto, tulungan mo nalang ako sa opisina." "Ninong, ayoko mas gusto ko sa kusina." "Baka nga mabigla ang katawan mo." "Eh di mag waiter nalang ako." "Bahala ka, pero kapag pagod ka na ay magpahinga ka agad sa opisina ko o sa kwarto na para saiyo." Masungit na sagot niya at kumain na. "Ninong pwedeng huwag mong sabihin na anak ako ni Mommy, maiilang akong makihalubilo sa mga nagtrabaho sa restaurant." "Mahilig ka din talagang mag sekreto ano." "May good reasons naman Ninong." Hindi na niya ako sinagot pa kaya tahimik na naman kami habang ku

