Jace's POV Pag-alis ni Priscilla ay pinagalitan ko ang tatlong bantay, may baril na pala yung tao bakit pa nila pinapasok sana ay tumawag nalang sila ng pulis o di kaya ay tinawag sa akin. Paglingon ko ay nakaalalay na si Mommy kay Beka na mahimbing na ang tulog. " Iba din ang maging manugang ko, kakaiba ang talent." Nakatawang sambit na ni Mommy. Mahimbing na kasi ang tulog niya habang yakap siya ni Mommy. Napangiti narin akong kinuha siya at kinarga sa aking wheelchair. "Good night Mom, thank you." "Wala yun anak, sana ay noon ko pa ginawa ito hindi sana kayo naghirap na dalawa lalo ka anak." sabay lumapit si Mommy at hinalikan ang ulo ko parang bata. Nangiti nalang ako, dahil parang bumalik na ang ugali niya sweet. Malambing siya noong bata ako pero nang nagbinata na ay nag iba na

