Jace's POV Tinurukan nila ako ng pampatulog dahil hindi nila ako mapakalma. Nagsugo na rin kasi ang aking mga paa. Nagising akong nagbabantay sa akin ang aking sekretarya. "Anong oras na?" Mahinang tanong ko. "Alas diyes na po ng gabi Sir, sandali at initin ko lang ang pagkain ninyo." Lumabas na siya at inilabas ko ang diary ni Beka. Nagsulat ako ulit at lahat ng nararamdman ko na sakit ay isinulat ko. Pagkatapos nito itinago ko sa ilalim ng aking unan dahil dumating na si Bing. Kumain na ako habang siya ay natulog na sa kabilang kama. May nurse na tumingin sa operasyon ko, binigyan ako ng gamot at pagkatapos ay nakatulog na naman ako. Alam kong umaga pero ayoko pang imulat ang aking mga mata. Dinig ko na ang mga tao sa labas ang sekretarya ko ay kausap ang tauhan ko na sila na muna

