Tonet's POV Umaga ng sumakay kami sa chopper ni Daddy. Ilang oras lang naman kaya sigurado na aabot kami. "Mommy baka walang tao." kinakabahan na sabi ko kay Mommy. "Ano ka ba, ang kuya mo maraming inimbitahan. Mga tauhan natin at kaming pamilya mo." Natatawang sagot ni Mommy. Huminga ako ng malalim, ilang sandali lang ay naglanding na ang chopper sa mansion at napangiti ako dahil kumakaway ang aking mga pamangkin kasama si Becca. Mabilis akong bumaba at patakbo kong sinalubong ng yakap ang mga gawapo kong pamangkin. Sabay ko silang binuhat at inilayo sa chopper. "Anak, doon ka na sa isang sasakyan kami na dito sa isang saksakyan ang Daddy mo ang magmamaneho." Ani ni Mommy na buhat nasi Brandon at si Daddy kay Jace. Yumakap ako kay Becca at pagkatapos ay sumunod na siya sa mga magul

