Antonia's POV Naiilang ako sa pag-aalaga sa akin ni Brandon, parang hindi siya ang Brandon na kilala ko. Siguro ay dahil sa nasa sinapupunan ko. Ang akala ko ay ipalaglag niya ang laman ng aking tiyan kung malaman niyang nakabuo kami. "Swerte ninyo mga anak at mahal kayo ng inyong ama." Ani ko pagkatapos kong haplusin ang aking tiyan. "Antonia, ininom mo na ba ang vitamins mo?" Tanong niya habang ako ay nasa banyo nag sisipilyo. "Oo, sa umaga ko iniinom." "Are you done then? baka madulas ka watch your steps!" Napailing nalang akong tinapos ang pagsisipilyo ko at lumabas na. Nagkagulatan pa kami dahil nasa may pintuan lang pala siya. "I am sorry." Sabi niya na hinaplos ang aking tiyan. Inalalayan pa niya ako na humiga sa kama at pagkatapos ay pinatay na niya ang ilaw. Lumayo ako sa k

