Beka's POV Kinabukasan ay handa na kaming lahat para pumunta sinasabi nilang Zoo. Tubig nalang ang dala namin at pinag short din ako ni Ate dahil mainit daw kung magpantalon ako. Sa likuran kami ni Ate Virginia, si Kuya Hector ang magmamaneho habang nasa tabi naman niya si Ate Bing. Napangiti ako dahil naka holding hands pa sila. Nag overacting lang talaga ako kagabi sa paghawak niya sa aking baywang. "Ready na guys?" Tanong ni Ate Bing "Ready na Ate!" Sabay na sagot namin ni Ate Virginia. Umusad na ang ang sasakyan at may pa music pa si Kuya. Hanggang sa nakarating kami sa Zoo. Naka booked na si Ate ng ticket namin kaya mabilis kaming nakapasok. Nawili ako lalo na ng makita ko ang malaking Leon at mga ahas. Hindi ko naramdaman ang aking pagod hanggang sa kumain na kami ng late n

