Brandi's POV Nainis ako dahil laging nakadikit si Becca kay Ross kaya inaliw ko nalang ang aking sarili sa pakikipah-usap sa mga ka klase namin. Nagulat nalang ako dahil wala na sila sa campus at may naka pagsabi sa akin na sumakay na sila ng jeep. Umuwi na rin ako at nadatnan ko si Ross na naglilinis sa kanyang kwarto at mahimbing naman ang tulog ni Becca sa kwarto ko. "Bakit hindi mo man lang ako tinawag?" Tanong ko sa kanya. "Tinawag kita pero parang wala kang naririnig eh, siya nga pala bakit ganun si Becca ang bilis niyang makatulog. Mabuto at nasalo ko siya agad kundi nasubsob siya sa jeep. "Hindi yun sanay sa pagod." "Sabagay, father niya pala ang billionaryong Del Mar. Paano mo siya naging kaibigan?" Napahinga ako ng malalim, paano ko to susungitan kung ang bait naman. "K

