“Kaya mong magtiis ah?!” Madiing bulong ko rito at mabilis pa sa alas kuwatrong inalis ang kamay niyang nasa tapat ng dibdib ko. “Alam mong mahina ako sa pisikal na bagay, kaya wag mo’kong daanin sa ganyan.” Iirap-irap na sabi ko rito. Umiwas naman ito bago tumitig ulit sa akin. Parang tinatantya niya kung ano pa ang pwedeng sabihin. Kabado ako, lalo na at hindi pa nga nakakarating ang mga bata rito ay alam niya ng dugo niya ang nananalaytay sa kanila. “Paano mo nalaman?” Sukong tanong ko. Ngumiti ito, iyong ngiting parang may naalala. “You accidentally accepted my friend request, Sahr. Inistalk kita, because I was head over heels again. I couldn’t sleep especially that you did that. There... I saw the kids, they were giving me goosebump and de ja vu. Duda na ako pagkakita pa lang sa

