19

2043 Words
“Sahr?” Naniningkit ang mga matang bungad sa akin ni Liane, kakauwi ko lang at pagod kaya bahagya akong nagulat na mabunguran itong hawak ang tasa at nakatayo sa gitna. Tumikom ang labi ko at hindi kaagad nagreact. Ayaw kong magsalita o bigyan ito ng ideya kung anong nangyari sa’kin kagabi. “Nagsumbong sa akin si Roman, iyong lalaki raw sa bar, nagtext ka nga e hindi ka naman nagsasabi kung nasaan ka. Really, Sahr? Ngayon pa na malayo tayo sa’tin at basta-basta ka na lang umalis? Paano kung masamang tao iyong nakasama mo? Anong gagawin ko? Ha?” Bigla akong tinubuan ng konsensya at ngayon lang naisip ang mga sinabi ni Liane. Paano ko ba ipapaliwanag na hindi naman masamang taong si Sato? Mapanakit lang, pero mabait naman yon. Tanga nga lang talaga at naniwala sa isang kapirasong larawan. “Don’t worry, Li... kaibigan ko iyon sa pinas.” Ngiti ko at naupo habang hinihilot ang paa. Medyo nangalay iyon at namumula. Kung ano-ano kasing ginawa ni Sato. Pakiramdam ko kailangan ko magpamassage sa sobrang ngalay ng katawan. Para bang hindi nakatikim ng iba e. Takam na takam. Napapailing na lang ako sa iniisip at biglang nainis. Ngunit kinalma ko rin kaagad ang sarili. I should start accepting our situation, our past and I don’t think it’s right to mix up those in what was happening on us right now. “Talaga lang ha? Kaibigan pero buong gabing hindi umuwi.” Mapang-uyam na sabi ni Liane at tinuloy ang pagkakape. Ngumiti na lang ako at naglakad papasok sa sariling silid. Gusto kong tawagan ang mga bata, gusto kong mangamusta. Kaso nahihiya ako, kahit malayo at walang ideya, nahihiya pa rin akong humarap dahil sa nangyari. Humiga muna ako sandali at sinilip ang cellphone. Tiningnan ko lang ang isang social media account at nagbrowse. Kaso natigilan ako noong may bumabang notif, pangalan pa lang alam ko na kung sino iyon. Mabilis pa sa alas kwatrong dinelete ko ang request nito. Sa tingin ko, hindi nararapat na pumasok sa buhay ko si Sato. Sa tingin ko, wala siyang karapatan na malaman kung anuman ang mga nilalaman ng social media ko. Wala siyang karapatan na makita ang mga pictures ng mga bata. Iyon na lang ang panghahawakan ko. Mabuti na lang naka-‘only friends’ lang iyong mga past posts ko kaya wala siyang masisilip, at mabuti na lang din ako at ang dalawang sanggol lang ang profile. Hindi naman siguro maghihinala iyon. “Sahr?” Narinig kong tawag ni Liane kaya nagising ako at tiningnan ang wall clock. Alas onse na pala, masyado yatang napasarap ang tulog ko. Tumayo ako at sinilip ito sa likod ng pintuan at nakitang katatapos lang nitong maligo. “Labas tayo?” Malumanay na ngiti nito. Alangan pa ako dahil pagod at talagang kailangan ng pahinga, ngunit sa nakitang lungkot at naisip na sitwasyon nito ay kailangan ko nga talaga yatang samahan ito. “Maliligo lang ako,” ngiti ko at kumuha ng pamalit. Nag-tshirt nga lang at isang simpleng pantalon iyong nahablot ko bago lumabas kasama ni Liane. Halatang pinapasaya lang nito ang sarili, halatang malungkot siya at siguradong iniisip niya pa rin ang annulment nilang mag-asawa. Masakit. Alam kong masakit para sa kanya ang desisyong ‘to. Kahit sino, masasaktan lalo na at niloko pa nga. Ang masaklap pa, magiging mag-isa na lang ito, maliban sa kapatid na naiwan sa pinas na may asawa na, ay magiging mag-isa na lang talaga ito. Minsan naisip ko, napakaunfair ng buhay... sa sitwasyon ko naman, partly ay nakakalungkot na mag-isa kong palalakihin ang mga bata. Ngunit di ko rin naman naisip na pinagsisihan kong nangyari sa’kin ‘to. Kung oo, di sana’y wala akong mga anak. “Mama!” Tuwang-tuwa si Daryll habang nakaface time kami. Hindi naman nag-aagawan ang dalawa, mukhang magkasundo ngayon at walang ganoon. Natutuwa ko namang binaliktad ang camera at pinakita sa kanila ang maaliwalas na paligid. Mainit pero malinis, parang di naman ako sanay sa Manila? Ito nga lang, walang nakakalat. Nagpipigil naman ng ngiti si Liane habang sinisilip ang kambal ko. Magiliw din kasi ito sa mga bata, nang minsang nagpapackage ako ay nagpadala rin ito para sa kambal. Natutuwa lang daw kasi ito at wala naman siyang mga anak. Wala ring pamangkin dahil hindi pa naman buntis ang kapatid nito. Kaya siguro kapag nagvivideo call kami ay sumasali siya’t nangangamusta. “Yong promise niyo po Mama ah? Next bakasyon isasama niyo po kami diyan.” Hindi nalilimutang paalala ni Daniel. Natawa naman ako at tumango. Iyon na nga ang pinag-iipunan ko ngayon. Tapos na kami sa utang at sa pagpapatayo na naman ng bahay ang pinagkakagastusan ko ngayon at syempre ang paunti-unting pag-iipon para makasama ko man lang kahit sandali dito ang mga bata sa susunod na taon. Ipinapaasikaso ko na nga ang passport nilang tatlo, pero si Nanay ayaw na daw sumama... mahina na raw ang katawan niya para magliwawil pa. Nakakainis din ang isang ‘yon, nalulungkot ako kapag sinasabi nitong mahina na siya. Bakit kasi matanda na no’ng nag-asawa, kaya tuloy kahit anong pilit kong gusto ko ring mag-enjoy ito ay lagi niyang sinasabi na pagod na kaya mas mabuting ipagpahinga niya na lang daw iyon. “Enjoy ka po, Mama...” pilyong ngisi ni Daniel. Bumusangot ako at tinitigan ito. Kamukhang-kamukha niya talaga si Sato, hindi katulad ni Daryll na alam kong may parte sa kanya na ako ang kamukha. Identical naman sila e, pero ang bilis malalaman kung sino si Daniel at Daryll... medyo mas malambot titigan si Daryll kesa sa isang anak kong pilyo. “Mag-eenjoy talaga ang Mama niyo, akong bahala.” Biglang singit ni Liane. Natawa na lang ako at nagpaalam sa dalawa. May nakita na kaming restaurant, sakto rin na malapit sa isang cafe. Kumain na muna kami habang nagkukuwentuhan. Iyon lang... mukhang matagal pa bago makakamove on itong si Liane. “Magsabi ka nga? Sino ba talaga iyong nakasama mo? Lalaki e, nakakapagtaka na basta ka na lang sumama. Take note! Overnight? Ano yon? Nagrosaryo kayo buong magdamag? Wag kang magsinungaling, Sahara... alam kong... nakipagone nightstand ka.” Bulong nito sa huli. Natatawang umiling ako at sinubo ang kapirasong karne. Ngunit mukhang hindi ako tatantanan ni Liane hanggang sa hindi mapaamin. “Oo na nga...” natatawang amin ko na lang, “Nagpadilig ako... okay na ba?” Halakhak ko. Mas lalo itong bumusangot. At lumapit pa ng bahagya. “Alam kong hindi kayo nagkatuluyan noong ama ng mga bata, Sahr. Pero sana wag mong masamain itong advise ko sa’yo... paano kung mabuntis ka ulit?” Nasamid ako sa iniinom at natatawang napailing. Never. Again! Hindi na ako ganoon katanga... hindi na ako tulad ng mga iniisip ni Liane. Alam kong mali na hinayaan ko ang sariling magpakalunoy sa makasalanang init kagabi. Hindi rin tamang ipagtanggol ang sarili at sabihing nadala lang ng pagkauhaw. Dahil kahit anong isipin ko, alam kong mali si Sato. “Sandali,” pigil ko nang pumatong ito at nakahawak sa ibaba, alam kong ipapasok niya na iyon pagkatapos ng ilang minutong pagroromansa. Basang-basa na ako at alam kong tigas na tigas na rin ito. Kaya lang, ayaw kong gawin ng hindi sigurado. “Condom,” paalala ko. Nagtatakang tumitig ito sa akin, umiling ako at tinuro ang side table nito, “Condom, Sato... walang lulusong kung walang proteksyon. Kaya magsuot ka,” matigas na utos ko rito. Naiiling na bumaba ito at kumuha ng isang piraso. Mabagal nitong sinusuot iyon. Halatang tinamad. Ngumiwi ako at naupo ng maayos. Tinitigan ko siyang nakatitig din sa akin. “Nag-iingat lang ako, Sato... wag mong masamain. Ayaw ko lang mabuntis uli.” Sabi ko. Biglang bumalatay ang sakit dito ngunit baka guni-guni ko lang iyon. Imposible namang masaktan siya roon. Para ano? “Talaga? Why? You don’t want my genes?” Natatawang lapit nito. Umiling ako at mukhang nainis siya roon. Mali yata ang pagkakaisip ng abnormal nitong utak. Ayaw ko lang ulit... pero hindi ibig sabihin na ayaw ko sa lahi nito. In fact, may dugo nang lumalatay sa mga anak ko na galing sa kanya. Ayaw ko lang aminin. Hindi ko lang makita kung para saan pa? Sa sinabi niya noon? Sa pagsla-slutshaming niya sa akin? Na para akong bayarang babae na kung sino-sinong lalaki ang kinakalantari? Sa tingin niya magiging ganoon pa rin ako tulad ng dati? Na kayang sumunod sa kanya? Minor, nagpakalunod sa init na hatid niya at nabulag sa pera? Hindi na, kaya tumigil siya sa pagdadrama niya. “Hindi ka nagpipills?” Bulong nito habang kinakapa ang ibaba at napangiwi ako noong pumasok ang ulo. Ulo pa lang para akong naninibago... medyo masakit, kaya lang ayaw kong ipahalata. “Nakalimutan ko,” sagot ko na parang normal lang kahit hindi na ako komportable sa unti-unting paglusong nito. Para akong nasasakal. “Paano kung mabuntis ka uli? Ha? Sahr? Paano kung mabuntis ka uli ng ibang lalaki?” Naiinis na tanong nito at halatang sa pagbaon binunton ang inis. Namilog ang mga mata ko at kinalma rin kaagad ang sarili. Basa na ako pero bakit ganoon? Bakit parang hindi ako makahinga at... mahapdi? Ganito ba talaga pagkatapos ng ilang taong walang seks? “You’re still tight... you did a great job...” natutuwang sabi nito. Iniisip siguro nitong ilang buwan na walang bumubomba sa akin kaya ganyan na lang ang tuwa ng naramdaman ang kasikipan. Bahala ito... wala na akong pakialam kung anong isipin niya tungkol sa akin. Why would I take pills if I wasn’t sexually active? Syempre ngayon lang at siguro magiging huli na rin. Maswerte lang siya at siya ang pinili ko ngayong gabi. Muntik na ako kay Ramon, baka nga kung hindi ko lang siya nakita ay kay Ramon ako sumama. Bakit ko titiisin ang sarili kung kaya ko namang pagbigyan? Kahit ibang lalaki... hindi na kasi ako umaasang sa isang lalaki lang ang katawan na ‘to... baka sakaling mahanap ko rin ang para sa akin. Hindi si Sato. Ayaw ko kay Sato... tama na, na may nag-uugnay pa sa’min. At do’n lang yon. “Natulala ka naman diyan? Naku, Sahara! Sinasabi ko walang magandang maidudulot iyang mga lalaki!” Natawa ako sa bitterness ng tono nito. Halata nga lang na dahil sa asawa nito na magiging ex-husband na rin sa oras na umuwi ito ng pinas. “Hayaan mo na, huli na yon.” Tawa ko. Naniningkit pa rin ang mga mata nito, puno ng pagdududa. Kumibit ako at sinilip ang cellphone. Naiinis na tinitigan ko ulit ang request galing kay Sato. May private message pa na nakatago rin sa request, naiinis na dinelete ko iyon at tinuon ang pansin kay Liane. Naglilitanya ito tungkol sa pag-aari nilang mag-asawa. “Sa tingin mo? Dapat ko rin bang ipaglaban iyong bahay at lupa?” Tumango ako at napasilip ulit sa ibaba. Bumuntong hininga ako at nakita ang kakulitan ni Sato. Ang kulit! May pinagmanahan ang isa sa mga kambal. Binlock ko nga ito at tumuon ulit kay Liane. Ala una nang lumipat kami sa kabilang cafe. Nagkukuwentuhan pa rin habang parehong nag-eenjoy sa kape. Naging abala rin kami sa sumunod na mga araw, kaya walang bar at walang ibang napaglibangan. Nginitian ko nga si Liane na kasama si Ma’am Elise at pababa na ng building. Sumama ako sa kanila at nakipagkuwentuhan na rin. May mga arabo ring empleyado ang nasa unahan kaya tagong-tago kami sa likod. Bumukas iyon at sabay-sabay kaming lumabas saktong napalingon ako sa kabila at para akong aatekihin sa puso ng nakita ko si Sato at matangkad na nakatabi sa ilang arabong nandoon. Mga kasamahan ng big boss at talaga namang... naiiba si Sato. Pati ang mga kasama ko ay natigilan at lumingon din noon. Titig na titig at tutok na tutok si Sato sa isang importanteng pinag-uusapan. Ngunit mukhang nakaramdam at napalingon din dito. Napasinghap ako at bahagyang nagtago sa likod ng dalawa. Yumuko ako at tumingala rin pagkatapos at nakitang nakatitig pa rin si Sato rito. Ngumiti ito, sarkastiko at umiwas din kaagad. “Nginitian ba tayo no’n?” Nagtatakang napapangiti si Ma’am Elise habang naglalakad kami palabas. Lumunok ako at tumitig sa kabila. “Yata? Ang gwapo no?” Segunda ni Liane. Iyon lang, mukhang plastik ang ngiti. Galit ba iyon? Bakit naman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD