4

1973 Words
"Hoy! Anong nangyari sa'yo?" Natatawang bungad sa akin ni Rose. Sinilip ko muna kung dumaan na ba iyong lalaki at nang nakumpirma ay nag-ayos na ako ng gusot. Pati yata make up ko e nagkalat. Nagpaalam muna ako kay Rose na sasaglit lang sa restroom at tinitigan ang sarili. Mas lalo akong namula dahil ang gulo-gulo ko. Nagkalat nga ang make up saka medyo buhaghag ang buhok. Kung hindi sabog, siguradong iisipin ng ilan na nakipag-'do' ako sa kung saan. Which is true. Kaya minabuti ko talagang ayusin ang sarili at bumalik sa harapan. "Nakipagmake out ka ano?" Tawang-tawa si Rose. Samantalang tahimik naman ako. Alam din yata nito... At swerte dahil naabot ko naman ang glorya. Actually, nakakailang pa rin hanggang ngayon. Ramdam ko ang pagkakabinat ng ibaba... daks si Kuya, oo sigurado ako dahil mahapdi na masarap. Parang mentol baga, kaso alam ko namang magiging huli na ito. Huli para sa parehong lalaki. Dahil ang susunod ay iba na naman. Alam kong mali kaya lang kailangan ko ng pera, para naman sa susunod na sem. Mas mabilis ito at saka, nag-eenjoy din naman ako kahit may kaunting hapdi pa rin. "Pag ikaw nagkasakit, ewan ko na lang." bulong nito. Natatakot din yata sa ginawa ko. Hindi ko naman nakwento at talagang wala akong balak. Tulad lang din ni Lucy, ayaw ko masyadong mapalapit. Trauma na sa akin iyon. "H-hindi naman siguro." Iling ko habang nagliligpit. Nanlalaki nga ang mga mata nito. Umiling ako at umungos na gusto ko ng umuwi. Gagabihin kami dahil kinaumagahan na natapos ang lahat. Pagkatapos nakatulog kami at ngayon lang nagising. Gusto ko munang magpahinga at mag... magmasturbate. Bitin pa rin ako, oo nga naabot ko naman kaya lang, gusto ko iyong madami. Siguro sa ngayon ay dahil mahapdi pa kaya hindi gaanong naeenjoy. But eventually, alam kong oo. Pagkarating sa bahay ay wala si Nanay. Siguro nasa labas pa iyon, naglalako na naman. Nakabili na rin ako ng uulamin namin mamaya, iyong luto na kasi pagod ako at gusto ko na lang humilata. Pagkaganoon, alam ko na kaagad ang susunod. Nginig na nginig ako habang nakanganga at halos manlagkit ako sa sariling katas. Suminghap na lang ako at inayos ang higaan saka nagpalit at muling nag-ayos. Di naman ibig sabihin na pagkatapos ng trabaho ay magpapahinga na lang ako. Regular ang part time ko kaya walang puwang ang umabsent. "O bakit pumasok ka pa?" Nagulat pa si Rose ng nagkaabutan kami. Ngumiti ako at gumilid bago pumasok sa dressing room. "E hindi naman pwedeng lumiban ako. Magkukulang sa tao." Paliwanag ko na sinang-ayunan din naman nito. Alam niyang tama ako, kapag nagkataon, malilintikan talaga kaming pareho sa among intsik. Doon na naman ako sa VIP, mabilis ang mga kilos ko ngayon. Siguro dahil talagang magaan ang pakiramdam ko kaya ganoon na lang at hindi ko naman gaanong pinapansin ang bigat ng trabaho. Ngumisi pa nga si Kuyang Bouncer ng dumaan sa tabi ko. Magc-CR yata at tipong pilyo ang mga pinapakita sa akin. Tinuro pa ang CR na agad kong inilingan. Akala yata nito ay may gusto ako rito. Gayong, nagpapatianod lang naman ako kapag may ngumingiti o ngumingisi sa akin. Kumbaga, sumusunod lang sa daloy. Gayong wala namang ibig sabihin sa'kin. "Type na type ka ni Arnold ano?" Bulong ni Rose habang tumatambay kami sa gilid. "Ha? Sinong Arnold?" Napapantastikuhang tumitig ito sa akin at ininguso ang bouncer. Ahhh! Arnold pala. Sa tinagal-tagal ko rito hindi ko pa nakikilala ang isang yan. "Ikaw talaga, maraming nagpapapansin sa'yo no... hindi mo naman masyadong sineseryoso. May boyfriend ka ba?" Tanong nito. Umiling ako at napanguso ngunit naitikom din ang labi ng nakita iyong babaeng nakilala ko last week. Tawa ito ng tawa habang may mga kasamang ka-level din yata nito sa lipunan. Halatang mga rich kid. Gusto ko nga sanang lumapit para magtanong doon sa alok nito kaso mukhang abala ito at ini-entertain pa ang mga kasamahan. Mostly doon, may mga lahi talaga... hindi basta-basta. May nakilala pa nga akong isa na parang anak ng isang artista. "E bakit ayaw mo namang magboyfriend?" Kulit pa rin ni Rose, bahagya akong lumayo rito para makaiwas na rin sa mga usapan na ayaw kong buksan. "Nagkaboyfriend na'ko, Rose. Kaya lang mas gusto kong mag-aral ngayon." "Ahh!" Tatango-tango nitong sabi. Nakontento na rin yata at tinigilan na ako sa kakatanong. Gumilid akong muli at kumuha ng maiinom saka nag-abot sa isang VIP. Ngumisi na naman ito at nanunuksong inabot sa'kin ang tips. Pansin ko na noon pa man na talagang kakaiba ang ngisi nito sa akin. Palibhasa kasi lantaran kung tumitig ito sa hita kong labas na labas sa suot na maikling uniporme. Iyon naman lagi ang tinitingnan ng mga manyakis. Natitiis ko naman, hindi na bago, saka hanggang tingin at himas lang ang mga yan. "Hey!" Kaway sa kabilang table. Napangiti ako ng bahagya noong napansin ang babaeng kausap ko dati. Nagniningning din yata ang mga mata nito tulad ng akin. "She's my new found friend," pakilala nito sa mga kasamahan. Ngumingisi nga ang ilan at nag-abot pa ng kamay. Gustong makipagkamay. Napilitan akong tanggapin habang nakatitig kay Morena Girl. Nakatitig din pala sa akin ito. "I lost your number, hihingiin ko sana ulit." Sabi nito. Tumango ako at nangingiming inabot ang maganda nitong cellphone. Tinipa ko na roon at nilagay na ang pangalan. Panatag talaga ako sa babaeng 'to. Hindi naman nakakatakot saka siguro pwede na ring sabihin na customer kaya ganoon. "Birthday ni Kuya sa Saturday, yong usapan natin... itutuloy ko." Bulong nito ng naging abala ang ilan. Gusto ko nga sanang tumalikod kasi kanina pa titig ng titig itong isang Arabu, naiilang ako. May ibang lalaki talaga na hindi ako komportable, kahit sanay na ako roon. "Let's talk somewhere else." Tumayo ito, umalis doon kaya parang napanatag na rin ako at sumunod dito. Lumayo muna kami at sinenyasan ko na lang si Rose na may business akong pag-uusapan kaya baka medyo matagalan. "Here's the deal, magkita tayo doon pa rin sa Kape Uni bago ang birthday ni Kuya... iwawrap pa kita eh." Tawa nito. Napangiti na lang ako. Sa malaking box ba ako itatago? Tulad ng mga nakikita at nababasa ko? Parang di naman bago kaya sige... "Here's the down, ang kalahati niyan ibibigay ko na pagkatapos ng party. Sure ka ah na hindi ka magbaback out. Ha-huntingin talaga kita." Panakot nito na may kasamang tawa. Ngumiti naman ako at agad ding nanlaki ang mga mata pagkakita sa bungkos. "T-teka, masyado naman po itong malaki.... 3,500 lang po ako." Natatarantang sabi ko pagkakita sa yellow bills. Isang wrap iyon, at halatang buo pa. "Ha? Ang mura naman niyan! Babae ka, know your price! You can have it." Ha?? Okay! Ano kayang nalaklak ng babaeng yon? Para namang barya-barya lang kung ibigay nito sa'kin ang isang bilot ng pera. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko roon, gayong bente mil lang ang kailangan ko tuwing sem. Pagkatapos ang kalahati sabi ay ibibigay nito pagkatapos ng birthday party. Di kaya'y abnormal ang pinsan nito kaya ganoon? Ewan ko, kabado ako sa malaking pera na 'to. Sabi ko naman pag-iipunan ko ang second sem kaya akala ko kakarampot lang ang magiging bayad sa'kin non. Pumasok muna ako sa dressing room at siniguradong hindi mapapansin ang pera. Saka ko naman binalikan ang VIP seat at nakitang nandoon pa rin si Morena Girl, chinita at talagang maganda ang tindig. Mahahalataang may lahi kahit matatas magtagalog. Kinalabit ko nga siya at sinenyasan. Mukhang nagets naman nito at tumayo saka nagpatianod sa'kin. "Wag mo na'kong bayaran pagkatapos ng birthday party. Sobrang laki na noong ibinayad mo. Hindi naman ako celebrity kaya alam ko rin kung magkano lang ang dapat sa'kin. Nakakahiya na sobra." Para namang hindi ito makapaniwala at bumubuka ang bibig saka ititikom din. Hanggang sa napahagalpak ito ng tawa. "Naku, kahit celebrity pa iyan. I won't pay that much. Ibinagay ko lang sa kung anong nakikita ko... trust me, Kuya Sato will enjoy you so much. Kilala ko ang mga tipo noon, total turn on sa kanya iyong mala-anghel ang mukha pero bombshell." Paliwanag nito. Ako na naman ang parang tilapiang naghihingalo roon. Hindi ko alam ang sasabihin. May fettish pa yata ang pinsan nito. Mahilig yata sa maliliit. "S-sigurado ka? Okay lang kahit ako lang?" Panliliit ko. Umismid ito bago idinantay ang kamay sa balikat ko. "Magtiwala ka nga! Masyado mo namang binababa ang sarili mo. I don't have any grudge or what like with your job. Okay lang kahit kamo iyan ang trabaho mo, at hindi kita minamaliit. Sa ibang bansa nga profession ang ganyan. Pati modelo pinapatos ang mga ganyan. So what's the difference? Ang pinagkaibahan lang kasi dito sa'tin close minded ang mga tao pagdating sa ganyang trabaho. But trust me... what was your name again?" Putol nito sa sinasabi. "U-uhm, Sahara..." "Yeah, Sahara... magugustuhan ka ni Kuya. Wag mo lang talaga akong ma-scam." Tawag nito. Napangiti na lang ako, hindi ko naman mapipilit ito. Kung ganoon, "Wag mo na'kong bayaran sa after party. Tama na iyon." Pilit ko. Para ngang alangan pa ito kaso umiling na ako ng umiling. Saka tinatawag na ako ni Rose at tinuturo ang kabilang table. Sinulyapan ko muli iyong babaeng hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan. Lumunok na lang ako at tinapos ang gabi na kabado sa mangyayari. Hindi ko alam kung ano nga ba, pero sige, total ginagawa ko na nga at nitong huli ginawa ko pang 'free' ay hindi naman kawalan sa'kin ang isa pang gabi. Kinabukasan maaga akong nagising at nagluto na rin para sa almusal at tulog na tulog pa si Nanay. Saka naman ako maliligo sa likod at halos panawan ako ng ulirat ng makita si Buknoy, isa sa mga kapitbahay na nakatayo sa gilid at naninigarilyo. Bumalik na lang ako sa loob at nagbalot ng ekstrang damit. Siguro nga sa shower room na lang ako ng athlete maliligo. Total nama'y isa rin iyon sa mga binabayaran namin. Kailangang maaga pa lang ay nandoon na ako. Mahirap din namang panakaw-nakaw lang ang pagligo. Mangangati lang ako noon. Hindi ako sanay na hindi isang oras ang ligo. Pakiramdam ko nasa balat ko pa rin ang dumi kapag hindi ako naghilod ng mabuti. Ngumiti ako noon sa isang janitress nang nakalabas. Nagtataka nga yata ito at bakit nandoon ako. At halatang kaliligo pa lang! Pero bahala nga siya, bayad iyan ano. Mabuti nama'y sunod-sunod ang klasi kaya hindi ako nakulit ni Lucy. Nagpapak na lang muna ako ng biscuit at tubig habang naghihintay sa isang subject. Hanggang ala una lang naman iyan kaya mamaya na ako kakain ng pananghalian. Mabilis lang naman ito. Pagkadismiss ay dali-dali kong sininop ang mga gamit at nagmamadaling bumaba. May bibilhin lang ako sandali sa mall pagkatapos ay uuwi na rin sa'min. Doon na ako kakain sa bahay para makatipid naman. Kahit ba may naipon na akong malaking pera, ayaw ko namang abusuhin iyon. Pagkababa ay nagulat ako sa tunog ng cellphone. Wala naman masyadong tumatawag diyan maliban pag tungkol sa trabaho. Kaya nagtataka ako kung kaninong numero ito. At bago ko pa man nasagot ay namatay iyon. At magtetext na sana kung hindi lang nagulat sa sigaw ng isang babae. At halos hindi ko ito makilala. Sa tuwing nagkakatagpo kami, nakamaikling damit ito lagi at may make up pa kaya asiwa ako ngayon habang nakatitig sa makinis at magandang mukha nito. "Sakto, nandito ka rin pala... naghahanap ako ng kasama. Tapos naman yata ang klasi mo." Sabi nito na para bang magkaibigan kaming dalawa. Napatitig na lang ako sa sout nitong uniporme. Saka napalunok. Hindi naman obvious ang kalahating milyon ang tuition nito, ano? Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit parang wala lang dito kung ibigay sa'kin ang pera. Barya lang talaga rito. "Kasama ko sana ngayon si Kuya Sato, kaso busy ang damuho. Kaya ikaw muna."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD