05

2406 Words
"Tatabi ka sa daan o tatadyakan pa kita?" Walang emosyong tanong ko sa taong nakaharang sa daraanan ko. "Isa." Nakita ko pa na natawa sila dahil sa pagbibilang ko. Oo sila. Apat silang nakaharang sa daraanan ko. Pag ako pinagalitan ni Mr. Pervert dahil nahuli ako sa trabaho mas lalo pa kayong malilintikan sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang trip nila sa akin bigla na lang akong hinarang gamit ang kanilang hindi kagandahan na sasakyan. "Sumama ka na lang sa amin, Miss. Para hindi ka na lang masaktan." Sabi nang naninigarilyo na mukha namang sugpo. "Wag mo na kami pilitin na bumaba lahat sa sasakyan dahil masasaktan ka lang." I grinned. "Nakakatakot." "Kailangan mo talagang matakot." Natawa ako. Sa tingin ba nila ay talagang natatakot ako? Nakakatawa. Ni hindi nga nila kilala kung sino ang kinakalaban nila. Baka sila pa ang umuwing sugatan. Napatingin ako sa relo ko na parang naiinip. Late na ako sa trabaho ko at paniguradong hinihintay na ako ni Leander dahil ngayong ang unang araw ko bilang isang personal assistant niya. "Umalis na kayo sa daraanan ko." Pakikiusap ko pa. "Sumama ka na lang sa amin kasi, Miss." "Ulol." Dahil lang sa sinagot ko ay mabilis akong hinawakan sa kwelyo ng lalaki. "Puti 'yung damit ko baka mukha mo pa ang mamantsahan ko." "Mayabang ka!" Nang bigla niya akong aatakihin ng suntok ay mabilis ko siyang inunahan. Napababa ako sa aking motor at ganon din ang ginawa nila. Pagkababa nila sa kanilang sasakyan ay may hawak silang bakal na baseball bat. Napangisi ako. Mukha talagang mapapasabak ako sa ganitong kaaga. Sumugod ang dalawa kaya hinihintay ko ang kanilang pag-atake. Nang tuluyan silang makalapit ay agad na akong yumuko sa una nilang atake. Sinasangga ko ang baseball bat na hahampas sa akin. Nang mahawakan ko ang bat ay siniko ko agad sa mukha ang lalaki sabay inagaw ang hawak niyang armas upang maitapon sa kung saan. Sumunod ay binigyan ko pa siya ng sipa sa mukha upang siya ay matumba. Napaatras pa ako dahil sa isang kasama naman niya ang inaatake ako ng hawak niyang bat. Nang akma ko sanang hahawakan ang bat ay hindi ko inaasahan na masasapak niya ako sa pisngi. Ramdam ko ang dugo na tumulo sa gilid ng labi ko. Nainis ako kaya sinipa ko ang tiyan niya upang mapayuko siya sa sakit. Inagaw ko ang hawak niyang bat at malakas na hinampas ang kanyang mukha upang siya ay matumba. Kita ko na napaatras ang dalawa dahil sa ginawa ko. Nakatingin sila sa kasama nilang dumudugo ang ulo. Salubong na ang kilay ko habang nakatingin pa sa dalawang taong natitira. Sobra na ang inis na nararamdaman ko dahil sa suntok na natamo ko. Akma na sana akong lalapit na marinig ko ang sirena ng pulis. "Tara na, boss! Paparating na ang mga pulis." Tarantang sabi ng kasama niya. "Babalikan kita!" Duro niya pa sa akin. Ngumisi ako. "Sige lang. Ipaghahanda ko na din ang uupuan mo. Kung gusto mo tabi pa kayo ni satanas. Duo pa kayo." "Mayabang ka! Paghandaan mo ang pagbabalik ko." "Pakyu." Inis na sagot ko at sumakay na sa motor ko. Iniangat ko sa kanila ang gitnang daliri ko bago ko pausukin ang gulong ng motor sabay harurot papalayo. Late na late na talaga ako sa trabaho kaya paghahandaan ko ang bunganga ni Leander. Maya-maya pa ay nakarating na ako sa hospital. Sinalubong agad ako ni Zaira na lumabas pa sa nurse station. "Devs, hinahanap ka na ni Doc Leander. Bakit ka super late? At bakit may bangas 'yang labi mo? Namumula din ang pisngi mo. Ano nangyari sayo?" Sunod-sunod niyang tanong. "Tutungo lang ako sa recognition." Ani ko para makaiwas sa tanong niya. "Oh sige mag-attendance ka muna." Nang matapos ako sa pakay ko ay tumungo na ako sa locker para ilagay ang gamit ko. Sa paglabas ko ng pintuan ay bahagya akong nagulat. Si Leander nakasandal sa pader habang naka-cross arm. "W-What are you doing here, Leander?" I asked. "Doc Leander." He corrected. "So what are you doing here, Doc Leander?" I repeat. "Why are you late, Miss Akuma?" "Devi ang pangalan ko." Pinipigilan ko ang hindi mainis. He chuckled. "But Akuma is your second name." "Just call me Devi, Doc Leander." I answered calmly. "So why are you late, Miss Duxbury?" He asked again. "Did you know that a personal assistant is not allowed to be late?" "May nangyari lang na isang bagay na hindi ko na kailangan i-discuss pa sayo dahil hindi ako interesadong magpaliwanag sa isang katulad mo." Inis kong sagot pero kalmado. He looked at me down to my lips and he sighed. "Follow me." Ano na naman ba ang kailangan niya? Talagang sigurado na siya sa sinabi niya na kung nasaan siya ay kailangan nandoon din ako? Paano ko magagawa ang mission ko kung ganito din pala ang magiging set up ng trabaho ko? Hindi ko malalaman kung sino ang nagtuturok ng drugs sa pasyente kung lagi akong didikit sa taong ito. Nakarating kaming dalawa sa office niya at siya ay tumungo sa ibang direksyon at habang ako ay nanatili lang nakatayo sa tapat ng pintuan. Bahagya niya akong nilingon pero agad din nag-iwas ng tingin kaya doon ko siya nagawang irapan ng patago. "Baka mangalay ka? Pwede kang maupo." Sabi ni Leander na hindi lumilingon sa akin. "Sabihin mo na lang kung ano ang gusto mong sabihin, Doc Leander. May trabaho pa ako na kailangan asikasuhin." Iyon ang sinagot ko sa kanya. He looked at me. "You can go. Mag-usap na lang tayo mamaya." Napanganga ako sinabi niya. Ano ba talaga ang trip ng lalaking ito? Hindi ko malaman kung saan nagmumula ang sapak niya sa utak! Pinapunta niya ako dito tapos wala naman pala siyang importanteng sasabihin! Nanggagago lang ba siya?! "Alam mo? Kingina ka." Inis kong sagot at pabagsak kong sinarado ang pintuan niya. Bastos na kung bastos hindi ko masasakyan ang ganong ugali niya. Mas maiging patayin ko siya sa hirap para wala na akong inis na mararamdaman pa. Inasikaso ko na ang gagawin kong trabaho na parang may galit lahat sa paligid. Hindi ko naman ibinubugtong sa iba ang inis na nararamdaman ko pero hindi maipinta ang inis sa mukha ko. May nagtanong pa nga sa akin na guardian ng pasyente kung may galit ba daw ako sa anak niya. Muntik pa akong may makasagutan dahil lang sa mukha ko. Para daw kasi akong galit kung mag-asikaso sa anak niya. Kaya si Zaira na lang ang humingi ng pasensya. "A-Aba't?! At talagang nakuha mo pa akong tignan ng ganyan, huh?" Duro niya sa akin. "Wag mo po akong duduruin, Misis. Baka hindi ko mapigilan ang pasensya ko at ikaw ang pumalit sa hinihigaan ng anak ninyo." Kalmado kong sagot pero nandon ang inis. "D-Devi, ano ba? Wag mo nang patulan dahil mas magiging panalo yan dahil nurse lang tayo dito." Bulong ni Zaira sa akin. "Anong pakialam ko?" "Talagang bastos kang babae ka!" Malakas niyang sigaw para mapatingin ang ibang tao sa amin. "Hindi ko akalain na tinatanggap ang ganitong kabastos na nurse na kagaya mo!" "At hindi ko naman din po akalain na pati emosyon sa mukha ko kailangan mo pang kwestsunin. Hindi ako magiging bastos sa harap ninyo Misis kung hindi kayo unang nambastos." Gigil na saad ko. "Ha? At sa tingin mo ay ikaw ang magiging tama? Kahit dumaan pa tayo sa korte ako ang mananalo sa ating dalawa!" "Tara." Panghahamon ko para matigilan siya. "Wag kang pakampante sa binibitawan mong salita dahil baka hindi lang isang nurse ang kausap mo. Kaya kitang baliktarin ora' mismo." "What is goin' on here?" Rinig kong tanong ni Leander. "Patay." Bulong ni Zaira. Hindi ako lumingon nanatili lang ang masamang tingin ko sa babaeng kausap ko. Lumapit agad siya kay Leander na parang nanghihingi ng tulong. "Kasi ito po Doc nagtatanong lang ako kung kailan makakalabas ang anak ko bigla niya akong sinigawan." Pagsusumbong niya na ikinatawa ko. "Hoy sinungaling ka!" Malakas na sabi ni Zaira. "Zaira, don't. Let her speak." I said and I looked at the old brat. "Base sa itsura mo parang may kaya ka." "Ha? Yes! Isa akong guro sa sikat na unibersidad dito. Hindi mo ba ako kilala?" "Hindi ako interesado. Pero interesado akong mawalan ka ng lisensya." Ani ko at nilayasan ko na sila. "Did you hear that, Doc? Wala siyang good manners sa mga tao!" "Devi." Leander called me. Tumigil lang ako sa paglalakad pero hindi ako lumilingon. Ramdam ko na sumunod si Zaira sa akin na humawak pa sa braso ko. "In my office. And you Misis try to respect my nurses. Hindi ka naman niya sasagutin ng pabalang kung hindi mo sana siya binastos." "W-What? But—" hindi ko na narinig ang sasabihin niya na magpatuloy na ako sa paglalakad. "Devs, tumungo ka daw sa office ni Doc Leander." Bulong pa ni Zaira sa akin. "Tinatamad pa ako. Ayoko din siyang makausap." Iyon lang at nagtungo na ako sa iba pang mga pasyente sa kwarto. Kinabukasan ay mabigat ang pakiramdam kong bumangon sa kama ko. Ang dami kong inasikaso dahil may isang operasyon na ginawa si Leander. Anong oras na din kami natapos. Tumingin ako sa salamin at nandoon pa din ang pamumula sa gilid ng labi ko. Mapupungay din ang mga mata ko idagdag mo pa iyong sobrang bigat ng pakiramdam ko at para akong may trangkaso. Pero hindi ko ininda. Naligo na agad ako upang tumungo na sa hospital. Nahihilo ako pero tiniis ko pa din para makarating sa destinasyon ko. Nang makarating ako sa hospital ay dere-deretso lang akong pumasok. Presensya ni Zaira hindi ko nagawang pansinin dahil sa bigat ng pakiramdam ko. "Hoy bakit ka namumula?" Doon na lang ako nakausap ni Zaira nang pumunta kami sa canteen. "Are you okay? Y-You look pale." "Don't worry I'm okay. Let's eat." Mahinang sagot ko. "Pahipo nga ako." Hindi ko na magawang tumanggi pa dahil naidikit niya na ang palad niya sa leeg at noo ko. "Hala gosh! Ang taas ng lagnat mo girl!" "Baka gusto mo ng microphone para marinig nilang lahat." Inis kong sagot at nag-peace sign siya. "Ang taas kasi ng lagnat mo, Devs. Sabihan ko si Doc Leander na may sakit ka para pauwiin ka niya." Bala't kutsilyo nga ininda ko tapos etong simpleng lagnat pa kaya? Gusto ko yan sabihin kay Zaira pero hindi pa niya pala ako kilala. Pero ayoko naman makarating pa ito kay Leander dahil sino ba siya? She's nothing but a pervert doctor. "Hindi niya na responsibilidad upang malaman na may sakit ako, Zaira. Kasi hindi naman ako interesado para ipaalam pa sa kanya." "Okay. Just fetch me if you need me, okay?" Ani pa niya at tumango na lang ako. Kahit ramdam ko ang panghihina ng katawan ko ay ginawa ko pa din ang aking trabaho. Paminsan-minsan ay tumutungo ako sa CCTV room para i-check kung may kakaiba ba sa galaw ng mga doctor. Pero bigo ako. Wala pa din namang bago at normal na normal pa din ang takbo ng mga ito. Tutungo muna ako sa nurse station upang makipagpalit muna kay Zaira na siya muna ang mag-check sa mga pasyente sa bawat kwarto. Kasi sa bawat paglakad ko iyon na lang ang pag-itim ng paningin ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at pansin din iyon ng ibang tao dahil sinasabi nila na sobrang pula ko. "Sabi ko naman kasi sayo umuwi ka na lang!" May halong inis sa kanyang tono bago niya ako bigyan ng gamot. "Baka lumala yan Devs uwi ka na lang?" "Don't mind me, okay? Lagnat lang ito for petesake." Mahinang anas ko. "Go. I can handle this. Sorry gusto ko lang talaga umupo kasi ramdam ko ang hilo." "Don't be sorry, Devi. You need to rest naman din kasi kaya ako na aako sa gagawin mo. I'll be back." Tumango lang ako sa sinabi niya bago ako yumuko sa lamesa. Hindi lang naman ako ang tao dito sa nurse station dahil may kasama pa akong isang lalaki. Hindi ko nga alam kung bakit niya lang akong hinayaan na makatulog sandali. Pero pasalamat na din ako kahit papaano ay nakapagpahinga ako. Nagising ako dahil sa ramdam ko na may kumakalabit sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumingin sa kanya. Medyo malabo pa ang paningin ko kaya hindi ko agad naaninag kung sino. Pero dahil sa boses niya ay si Leander pala. "Great. May trabaho ka pero inuna mong matulog?" Patanong niyang sabi. Napaupo ako ng ayos at kinuskos ang mata ko. Bakit parang mas lalong bumigat ang pakiramdam ko? Ramdam ko ang panginginig ng paa't kamay ko dahil na din sa lamig. Pero sa loob-looban ko ay ramdam ko ang sobrang init. "I-I'm sorry, Doc Leander." Humingi na lang ako ng pasensya dahil ayokong makipagtalo muna sa kanya. "G-Gagawin ko na po 'yong trabaho ko." "Your duty is totally done, Miss Duxbury. It's already 11 PM in the evening. Kanina pa umuwi si Zaira at kanina pa din dumating ang mga night shift nurses." He explained. Hindi 'man lang akong nagawang gisingin ni Zaira! Napapikit ako sa inis dahil sa narinig ko. Ang haba naman sobra ng tulog ko? Sa halip na sagutin si Leander ay dahan-dahan akong tumayo. Tiniis ko ang sarili ko dahil ayokong makaramdam siya na may sakit ako. Lumabas ako sa nurse station at tumungo sa locker para kunin ang mga gamit ko. Ang alam ko lang ay naglalakad na ako sa parking lot. At alam ko din na may sumusunod sa akin. Pero hindi ako lumilingon dahil wala akong lakas upang tignan ang gago na sumusunod sa akin. Malakas ang pakiramdam ko kaya alam kong sinusundan niya ako. At sa parking lot pa talaga! "K-Kaya ko bang lumaban?" Bulong ko dahil alam kong mapapasabak ako. Tumingin ako sa hindi kalayuan na motor ko at dahil malabo si paningin ko hindi ko maaninag masyado. Bakit parang babagsak ang katawan ko? Bakit parang lalong lumalabo ang paningin ko? Pagewang gewang na din ang lakad ko pero pilit kong inaayos. But it didn't work. Bumagsak na lang ako ng tuluyan at naramdaman ko na lang may sumalo sa akin. Who the f**k are you?! Damn ít. I'm doomed! To be continued. . . A/N: Turtle writer ang iyong author. Sorry sa slow update.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD