02

2475 Words
"Magpapanggap akong nurse sa isang Mallagher Hospital? Para saan?" Gulat na anas ko. Parang kanina lang sinabi ko kay Hellion na maging nurse in disguise ako, tapos eto. Nangyari na nga ang sinabi ko. "May isang doctor doon sa hospital na nagsasalin ng drugs sa jab at tinutusok sa pasyente. Hindi namin kilala kung sino ang doctor na ito pero gusto namin na manmanan mo." Hellion explained. I chuckled. "Sa dami ng doctor doon sa tingin n'yo ba malalaman ko kung sino?" "Kailan ka pa naging bobo sa mission, Akuma?" Biglang tanong ng Captain namin. "I'm sorry, Captain. Pero imposible naman po ang gusto ninyong ipagawa sa akin na mission." "Kailan pa naging imposible sayo ang mission na ito, Devi? You were not like that before." Daddy asked, incredulously. "She might just be tired, Captain." Hellion said. Pagod na ako sa ganitong klase ng mission. Pero tama si daddy. Hindi naman talaga ako ganito bakit nangangamba ako na gawin ito? Aalamin ko lang naman kung sino ang doctor at wala nang iba. Madali lang naman. Pero sa mall pa! "Pero Captain hindi naman kasi ako bomb technician para ako ang magpahinto sa bomba." "Alam kong alam mo na kaya mong magpahinto ng bomba, Akuma." He said, coldly. "But—" "No more buts, Akuma. Kailangan mong gawin ang mission na ito sa mall lalong-lalo na sa Mallagher Hospital. And that's an order." Ani pa ni daddy bago kami talikuran. Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa inis. Wala na akong magagawa pa. Kailangan ko na talagang tanggapin ang mission na ito. "Just tell me if you need some help." Rinig kong sabi ni Hellion. I looked at him. "You know I'm not the type of person to ask for help." "Sabi ko nga." He laughed. Hindi ko na siya sinagot. Umalis na ako sa building ni daddy at umuwi. Kailangan kong maghanda para bukas dahil ang isang Devi Akuma ay naging bomb technician na. Kinabukasan ay nandito na ako ngayon sa mall at maiging tinitignan ang mga tao habang tumitingin din sa hawak ko na picture na ibinigay ni Nezuko. Lalaki siya at sa itsura pa lang nito para siyang nasisiraan ng bait. Itinuloy ko ang mission na ibinigay sa akin ni daddy. Isang lalaki na magtatanim ng bomba sa malaking mall. Ang tanga niya. "Sa dami ng tao dito makikita ko ba agad ang lalaking ito? Kinginang buhay ito, oo." Inis na bulong ko. "Are you lost, ate?" Biglang may kumalabit sa hita ko para mapatingin ako sa baba. Isang batang babae. Ako pa ang tinanong niya kung nawawala ba ako, mas mukha pa nga siyang nawawala sa akin. "No." Simpleng sagot ko. "Ikaw lang ba ang—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko na makita ko na ang lalaking magtatanim ng bomba. Tinignan ko muna ang batang babae na inosenteng nakatingin sa akin. "Stay here, okay?" Kahit hindi ako interesado kung nawawala ba itong bata ay kailangan ko pa din siyang balikan. "I'll be back." "Where are you going, ate?" "Bibili ako ng ice cream so stay here, okay? Babalik ako agad." Agad na akong tumakbo para sundan ang lalaki. Nakipagsiksikan ako sa mga taong nakasakay sa escalator. Nakasumbrero siya at puros itim. May shoulder bag din siyang hawak. At anong bag ba ang meron dyan para hindi makita ng mga guwardiya na bomba ang nakalagay doon?! Nakita kong may nilagay siya sa likod ng mannequin at may pinindot pa wari doon! Mabilis akong tumakbo patungo sa mannequin at nakita ko ang minuto na umaandar doon. Isang oras lang! Pinindot ko ang aking earpiece para marinig ko ang sasabihin ni Hellion. "Tatlong bomba na ang natatanim niya." Iyon agad ang bungad sa akin ni Hellion. "What? Kakapasok pa lang niya sa mall! Kaya iisa pa lang!" Inis kong sabi. "Hindi ko ma-detect kung nasan ang dalawang bomba." "Shít!" Maingat kong tinitignan ang mga wire ng bomba. Maling putol ko lang dito ay tiyak na sasabog ito. "Rose's are red," bulong ko habang tinuturo ang wire. "Violet's are—white wire!" Agad kong pinutol ang puting wire at tinignan ko ang oras kung huminto. Nang makita ko na huminto ito ay agad na akong tumakbo at nilinga-linga ang paningin ko. "Where the hell is he?!" Tanong ko kay Hellion. "Fire exit. Nakikita ko siya sa camera." "Great." Tumungo na agad ako sa fire exit para sundan 'yung lalaki doon pero sa pagpasok ko ay may biglang umatake sa akin ng suntok. Agad ko iyon sinangga at sinipa siya sa tiyan upang mapaatras siya. "Ang galing mo naman magpahinto ng bomba, Agent Red." Nakangisi niyang sabi. "Marami akong naririnig mula sayo. Isa ka daw sa magagaling na agent. Kahanga-hanga." "Napahanga ba kita? Minuto na lang din ang ihahanga mo dahil buhay mo naman ang pahihintuin ko." "Nakakasigurado ka ba d'yan sa banta mo? Ilang bomba ang nakatanim dito at iisa pa lang ang napahihinto mo." Natatawa niyang anas. "Isang oras lang ang ibinigay kong oras kaya ang tanong ay magagawa mo pa bang pahintuin?" "Nakakasigurado ako na may hawak kang bagay para mapahinto ang bomba." Nakangisi din na sagot ko. "Hindi mo ito makukuha sa akin." "Ah talaga? Tignan natin." Agad siyang sumugod sa akin upang gawaran ako ng suntok at sa ganoong paraan kami mabilis magpambuno. Ilang beses ko siyang tinamaan ng suntok sa mukha, at sunod-sunod na sinipa. Hindi lang iyon pati katawan niya ay inaasinta ko. Hindi lang iyon ay mabilis kong hinubad ang isang manggas sa kanyang suot na jacket at ipinulupot iyon sa kanyang leeg. "M-Magaling ka." Nahihirapang anas niya. "Kung ganon mahina ka naman." Patakbo akong umatras habang hila-hila siya upang mapalabas kami sa fire exit at nabigla ang mga tao sa presensya namin. Saka ko hinila ang manggas ng kanyang jacket upang muli siyang mapaharap sa akin. Pagkaharap niya ay malakas ko na naman siyang sinapak sa mukha. "Ate? You hurting him." Rinig kong pamilyar na boses. "Kailangan ko kasi siyang saktan. Kung gusto ninyong mabuhay umalis na kayo dahil may bombang nakatanim dito!" Malakas na sigaw ko upang mataranta ang mga tao. "Isama mo siya sa paglabas." Utos ko sa babae na isama ang bata sa paglabas. Ngunit sa pagharap ko ulit sa lalaki malakas niya akong sinapak sa mukha. Nahilo ako kaya isang sipa ang natamo ko sa tiyan. "Magaling ka nga pero masyado kang mabagal!" Sigaw niya at akma ako sisipain na masalag ko iyon. "Masyado ka naman maingay!" Agad ko siyang tinulak nang maraan upang mapaatras siya. Mabilis kong sinipa ang kanyang mukha at panibagong suntok pa ang ibinigay ko sa kanya. Nakita ko pa na tumalsik ang kanyang dugo mula sa ilong at bibig. Kaya bago pa siya bumagsak ay dinakma ko ang kanyang damit at sinapak siya sa mukha. "Ibigay mo sa akin ang bagay na makakapagpahinto sa bomba." Utos ko. "Sampung minutos na lang, Agent Red. Kaya hindi mo na ito makukuha pa sa akin." Natatawa niyang anas. Kung matigas ka sa pakiusapan mas matigas ako sa patawaran. Hinablot ko ang kanyang buhok at pilit siyang pinaluhod. Hinawakan ko ang magkabilaan niyang pisngi at maraan ko iyong pinaikot. "W-Wag!" Pakiusap niya. "Ibibigay mo o hindi?" "Wala sa usapan natin na papatay ka ng tao, Akuma." Ani ni Hellion sa earpiece. Tinanggal ko ang earpiece ko upang hindi na muling marinig ang sasabihin ni Hellion. Kita ko sa mukha ng lalaking ito ang takot. Takot pa pala siyang mamatay. "Ibibigay mo o hindi?" "I-Ibibigay ko na!" Mabilis ko siyang itinulak upang mapahiga siya ngunit mabilis din siyang bumangon. Bahagya akong sumandal sa railing upang tignan ang kanyang galaw. Nang tuluyan siyang makatayo ay humarap siya sa akin na may ngisi sa labi. "Sa tingin mo ba tanga ako? Bobo ka!" Sigaw niya at mabilis na sumugod sa akin. Isang maliit na ngisi muna ang ipinakita ko bago ko sinalubong ang kanyang katawan. Isang siko sa kanyang leeg bago ko siya itinulak sa railing upang siya ay mahulog. Nakita ko pa ang kanyang katawan na naliligo sa sarili niyang dugo. "Pinakiusapan ka na pero nagmamatigas ka pa." Bulong ko. Agad akong napatingin sa kaliwa ko na marinig ko ang pagsabog. Huli na para pahintuin ang bomba kaya mabilis na akong tumakbo para makababa na at makalabas. Sunod-sunod ang pagsabog nito kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Nang makarating ako sa second floor ay hindi ko inaasahan na may sasabog pa doon kaya tumalsik ako sa kung saan. At ang masaklap mula sa ikalawang palapag ay nahulog ako sa unang palapag. Parang may nakatusok banda sa gilid ng tiyan ko. Gusto kong bumangon pero hindi ko kayang igalaw ang katawan ko. Shít! Baka may sumabog pa na bomba dito. Ilang bomba ba kasi ang itinanim ng gago na iyon?! "Ate, take my hand!" Rinig kong pamilyar na boses. Minulat ko nang dahan-dahan ang mga mata ko at nakita ko ulit ang batang babae na lumapit sa akin kanina. Bahagya akong kumilos at ramdam ko ang pananakit ng katawan ko. "Why are you still here? I-It's too dangerous." Nahihirapang anas ko. "I saw you po kasi that's why I approached you po." Magalang niyang anas. "I-It's okay. Hindi mo ako kayang alalayan pero kaya ko pa namang tumayo." Pagpresinta ko dahil nakaabang na ang kanyang maliliit na palad para tulungan ako. "Don't mind me, okay? Lumabas ka na dahil masyado ng mausok dito." "How about you po? I feel your pain ate kaya I can't leave you." "Tulungan ninyo 'yung mag-ina!" Sigaw ng kung sino. Kingina ka hindi ko siya anak! Ramdam ko ang aking katawan na inihiga sa gurney upang buhatin papalabas ng mall. Sinakay ako sa ambulansya kasama ang batang babae. Kahit nakapikit ang mga mata ko ay ramdam ko ang kanyang pagtitig sa akin. "Stop staring, bata." Mahinang anas ko. "How do you know, ate? Naka-close 'yung eyes mo." "N-Nararamdaman ko lang." Huminto ang sasakyan kaya alam kong nandito na kami sa hospital. Dinig ko ang ingay sa paligid kaya alam kong nandito din ang mga ibang naaksidente. "Pakiasikaso siya!" Sigaw ng lalaki habang tulak-tulak ang gurney. "What happened to the patient?" Tanong ng boses lalaki. "Kasama siya sa mga naaksidente, Doc Leander." "Take her to the emergency room. Pupuntahan ko lang si Dr. Amethyst." Kingina ka uunahin mo pa ba 'yung jowa mo na doctor din kaysa sa pasyente mo?! Kapag ako gumaling papaputukan ko 'yang ulo mo! Muling itinulak ang gurney na hinihigaan ko patungo daw sa letseng emegency room. Minuto lang ang hinintay ko bago ko naramdaman ang palad na inangat ang damit ko. Gusto kong imulat ang mata ko pero para akong inaantok. Ramdam ko na may itinurok pa sa akin na hindi ko mawari kung ano. Nagsasalita 'yung doctor na about sa mga letseng gamit para magamot ako. "Scalpel." Iyon na lang ang paghiwa niya bahagya sa katawan kong may saksak. Kaunting sakit lang ang naramdaman ko dahil 'yung tinurok niya ata sa akin ay anesthesia ang kingina. "Blade." Doon na lang ako napamulat dahil sa narinig ko sa kanya. "M-May balak ka bang dagdagan 'yung saksak ko?!" Kahit nahihirapan akong magsalita ay nagawa ko pa din siyang sigawan. "Buti na lang Doc Leander tinurukan mo ng anesthesia. Gising kasi siya eh." Ani ng nurse. "Sana nga hindi ko na lang tinurukan para maramdaman niya 'yung sakit. Stay lying, Miss. Hindi pa ako tapos sa sugat mo." He answered, coldly. "Kung sayo ko kaya iturok sa mata mo 'yung anesthesia?!" I fired back. Hindi niya ako sinagot kinalikot na naman niya 'yung saksak ko. Kita ko na may natanggal siya na kung anong nakatusok sa loob ng tiyan ko. Hindi niya ako magawang tignan sa mata. "Needle." Utos niya. Bahagya akong pumikit dahil nauurat ako na parang damit lang ang tinatahi ng gagong doctor na ito! "Hemostat." Utos na naman niya. Nang matapos niyant tahiin ang sugat ko ay agad kong tinanggal ang dextrose na nakakabit sa ibabaw ng palad ko. Kita ko ang kanilang gulat sa mga mata dahil sa ginawa kong pagtanggal. May lumabas pa na dugo doon. Ibinaba ko na din ang damit ko at tinignan ang lalaking doctor na nagngangalang Leander. "Salamat. Una na ako." Iyon lang at inalisan ko na sila. Rinig ko pa ang bulungan ng nurse na kasama ng Leander pero hindi ko naman din inaakala na may hahawak sa palad ko. Tinignan ko kung sino iyon pero may halong gulat sa mata ko dahil 'yung Leander lang pala. "You're not going anywhere, Miss. Your brain still unconscious." Malamig niyang anas. My eyes widened because of what I heard. "What? Ano ulit 'yung sinabi mo?!" "Tss. Your brain still unconscious." "What do you think of my brain?! Na-comatose?" Sigaw ko sa kanya at binawi ko ang palad ko para maglakad ulit. Nakarating kami sa pasilyo at nakikita ko na maraming naaksidente dahil sa pagsabog. Hindi nagtagumpay ang mission ko na pahintuin lahat ng bomba. Iyon na lang ulit ang paghawak ng Leander sa pulsulan ko at padarag na hinarap ako sa kanya. "You're not going anywhere, Miss. So you better lay down your áss on the fúcking bed before I lift you back to your fúking room!" Inis niyang anas. Kingina. Gumagawa siya ng eksena. Pero ako ay mapukol na ngiti lang ang ginawad ko sabay hawak sa kanyang dibdib. Dahilan para magsalubong lalo ang kilay niya. "Don't worry about me, baby. I'm fine." "Don't tempt me. I can resist anything but not temptation." I grinned. "If you don't want temptation to follow you don't act as if you cared." Akma na sana akong tatalikod na bigla akong buhatin ni Leander na pa-bridal style! What's wrong with this fúcking man?! "f**k! Put me down!" Hampas ko sa kanyang dibdib. "Kingina! 'Yung tahi ko!" "Shut up, woman." "Kingina hindi mo ako ibababa?!" "Shut up! I'm a man, Miss. So you better keep your mouth shut. Baka mawala ako sa katinuan at matahi ko 'yang bibig mo." He threatened. Damn it! I need to go, fucker! Hindi ko na magawang manlaban pa at hinayaan ko na lang si Leander na dalhin ako sa magiging kwarto ko. Dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama na para akong maselang gamit na bawal mabasag. "It's bleeding. Bakit ba kasi ang kulit ng utak mo? Ikaw lang 'yung pasyente ko na bobo." He hissed. "What the f**k did you just call me? I'm not a bobo!" I yelled at him. "Pito-pito ka siguro. Dito ka lang kukuha lang ako ng damit mo." Utos pa niya at lumabas na ng silid. What the hell? Sigurado ba ako na doctor ang kaharap ko?! Ang brutal magsalita sa pasyente! Sabagay, may isa akong kasabihan. Be savage, not average. "Wala namang masama kung mananatili ako ng ilang araw dito sa hospital. Kinginang doctor 'to." To be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD