Third Person Nang makarating si Louis sa mansion kung saan nakatira si Mariella ay kaagad siyang pinagbuksan ni Mang Kernel ng gate dahil hanggang ngayon ay natatandaan pa nito ang plate number niya. “Long time no see, Sir Louis,” bati ni Mang Kernel habang sumasaludo pa kay Louis na ipinaparada ang sasakyan nang mabuti sa loob ng garahe. Isa kasi itong loyal na bodyguard ng pamilyang De Vera kahit noong magkasintahan pa silang dalawa ni Mariella. Kaya halos lahat yata ng sasakyan niya ay tanda pa ng matandang guwardiya. “Yeah, it’s been a long time, Mr. Kernel,” sagot ni Louis at bumaba na sa kaniyang sasakyan. Nang makapasok si Louis sa loob ng mansion ay una niyang napansin ang mga disenyo na wala pa ring ipinagbago. Marahil ay hindi na masyadong nagde-decorate ng bahay ang dalaga

