Elaine Tahimik lang si Louis habang nagmamaneho. Patungo na kami sa resort na sinasabi ni Tita Hacel. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip kung ano ang naging daloy ng usapan nila ni ama. Noong bumalik kasi siya sa loob ay tahimik lamang at hindi na masyadong kumibo. Nanginginig na rin ako sa lamig ng aircon dahil nakatutok ito sa akin. Si Louis ang nagda-drive ngayon habang nasa kabilang sasakyan naman sina ama at si Kaizer. Noong una nga ay ayaw pumayag ni Kaizer, ngunit pinilit siya ni ama na huwag silang sumabay sa amin. “Wear this,” sambit ni Louis at dahan-dahang binuksan ang compartment niya upang kunin ang isang denim jacket. Iniabot niya ito sa akin na agad ko namang tinanggap dahil kaunti na lang ay magiging yelo na ako sa lamig. Kahit ang mga binti ko ay hindi ko na maigalaw

