Elaine “Ano, hija. Ayos ka pa ba riyan?” tanong ni Mommy Hacel. Nauna na kasi siyang bumaba sa sasakyan dahil hanggang ngayon ay nasusuka pa rin ako dahil sa hilo. Hindi ko kinaya ang pagda-drive niya nang mabilis, halos malagutan na ako ng hininga dahil sa kaba. Nasa harap kami ng isang malaking mansion. Ang sabi kasi niya ay susunduin muna namin ang dalawang makakasama namin na sina Sandra at Lexy kaya pumunta kami rito sa Reverence Street kung saan ito nakatira. “A-Ayos lang po ako,” nauutal na wika ko bago tuluyang alisin ang seatbelt upang makababa na rin. “Naku, hija. Siguradong matutuwa ang dalawa na ’yon kapag nakita ka. Hindi kasi sila nakapunta sa party dahil busy sila sa trabaho,” sambit ni Mommy Hacel nang makababa na ako sa sasakyan. Sa susunod talaga ay ako na mismo ang p

