Ann Pov's
Maaga akong gumising kinabukasan upang maghanda ng makakain namin ni leo at ni lei. Naabutan ko pa si ate emily na kakauwi lamang galing palengke.
"Ate emily tulungan na po kita dyan." Wika ko sa kanya.
"Oh sige iha maraming salamat. Maaga ka atang gumising ngayon?" Tanong naman nito sa akin.
"Oho eh masaya lang po ako sa pagdating ng kapatid ko na si lei."
"Ako din masaya din ako para sa inyo. Alam mo ngayon ko lang ulit nakita si don leo na masigla at masaya araw-araw simula ng dumating ka dito sa bahay." Nakangiting sambit nito sa akin.
Ngumiti at tumango lamang ako kay ate emily. Sa tuwing napag-uusapan si leo ay para akong kinakain ng aking konsensya. Sinusubukan kong isang tabi ito at alalahanin si lei at ang buhay namin. Sadyang madamdamin ako at mabilis makaunawa, malambot din ang puso ko ibang-iba sa itsura ko. Madalas kasi akong napagkakamalang napakasamang babae dahil siguro sa look ko hindi ko naman sila masisisi.
Nakita ko si lei na pababa na sa hagdan at halatang bagong gising, agad ko itong tinawag upang makapagkape na at makapag-almusal na rin.
"Lei halika na dito at mag-almusal ka na muna nagluluto pa kami ni ate emily ng ating kakainin para mamaya." Masaya kong sambit sa kanya.
"Grabe ka ate para kang hindi nag-inom kagabi wala ka bang nararamdaman hangover diyan sa katawan mo?" Takang tanong naman nito sa akin.
"Sus ang sabihin mo mahina ka lang talagang uminom halika na dito at magkape ka na ng mawala na iyan." Pang-aasar ko sa kanya.
Agad namang umupo si lei at humigop na ng kape habang nakatingin sa labas. At kami naman ni ate emily ay nagpatuloy lang sa aming mga gawain. Maya-maya lang ay bigla na rin bumaba si leo. Kitang-kita mo talaga sa mukha niya na masaya siya sa mga nangyari kagabi.
"Good morning everyone, how's your day? how's your morning?" Nakangising bati nito sa amin.
"Good morning kuya leo, eto may hangover po. Si ate kala mo ang ininom lang kagabi tubig parang walang nararamdaman na kung ano sa katawan. Ikaw po kamusta kuya? Aba parang magandang gising ah!" Pambobola ni lei sa kanya.
"Maganda talaga ang gising ko iha sadyang pinatulog ako ng mahimbing ng ate ann mo kagabi." Masayang sabi nito sabay lapit sa akin at halik sa pisngi.
"Ikaw mahal kamusta ang gising ng aking napakagandang mapapangasawa?" Malambing na tanong nito sa akin.
"Okay lang ako maupo ka na dyan at mamaya ihahain na rin namin ni ate emily itong niluluto namin. Ipagtitimpla na din kita ng kape." Mahinahon kong sambit sa kanya.
"Ikaw ate ha mukhang may hindi ka sinasabi sa akin." Asar naman ni lei.
Natapos na kaming mag-asikaso ni ate emily sa kusina inaya ko na rin siya na sumabay na sa amin kumain tutal hindi naman na siya naiiba.
"Ate emily sumabay ka na ho sa amin." Yaya ko sa kanya.
Habang kumakain kami ay panay titig ni leo sa akin. Tila ako matutunaw sa kanyang ginagawa hindi ko tuloy malunok ng maayos ang aking nginunguya.
"Kuya leo baka naman matunaw ang ate ko, napakalagkit ng titig niyo andito pa ako sa tabi ha." Pagbasag ni lei sa katahimikan.
"Pasensya ka na iha napakaganda kasi ng ate mo."
"Naku tantanan niyo iyan kawawa naman kami dito ni ate emily oh." Sagot ni lei.
Natawa na lang ako sa asaran ni lei at ni leo. Natutuwa ako kasi nag kasundo sila agad.
"Sweetie mamaya pala aalis ako may mga aasikasuhin lang sa office since busy na si drake ako na munang mag-aasikaso non." Paalam ni leo sa akin.
"Ganun ba sige sige andito naman si lei. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo." Agaran ko namang sagot sa kanya.
Natapos na kaming kumain at naghanda na din si leo paalis ng bahay naiwan kaming tatlo ni ate emily at ng kapatid ko. Inutusan ko na si lei na tulungan na kami ni ate emily sa gawaing bahay. Wala kasi dito ang ibang katulong. Kapag kasi may lakad si leo madalas marami siyang kasamang alalay. Kagaya ng bodyguards at iba pang mga maids. Tinapos na namin agad ang gawain at pinagpahinga ko na muna si ate emily sa kanyang kwarto. Samantalang kami naman ni lei ay nag-usap sa sala.
"Ate, bakit naman ganun yung ngiti kanina ni kuya leo? Ikaw ha may di ka sinasabi sa akin anong ginawa niyo kagabi?" Takang tanong ng kapatid ko.
"Ikaw napaka-chismosa mo talaga." Taas kilay kong sagot sa kanya
"Malamang te, kapatid mo ako so sino ba dapat ang kwentuhan mo kapitbahay niyo."
"Ikaw mapagpanggap ka. Akala mo anghel pag nandiyan si leo pero kapag wala dinaig mo pa si satanas. Tsaka anong trip mo kagabi nung dumating ka dito sa bahay? Naka-long sleeve ka tapos nakapantalon talaga ba?"
"Kaya ka siguro naiyak no? Dahil sobrang ganda ko." Sagot sa akin nito sabay tawa.
Mataas talaga ang confident ng kapatid ko wala na akong magagawa diyan siya na iyan. Pero minsan yung level ng confident niya ang oa. Yung parang biglang ang sarap niya na lang pektusan.
"So ano na nga kasi ate sabihin mo na. Nag-s*x kayo?"
"Ikaw yung bibig mo mamaya marinig ka diyan ni ate emily nakakahiya." Pagpigil ko sa bunganga ni lei.
"Eh kung sinasabi mo na sa akin edi sana hindi na ako tanong ng tanong diba. Tsaka bilisan mo magkwento ate kasi ako may kukwento din sayo" nakakunot na mukha na sagot ni lei.
"Oo na kung anong iniisip mo tama yun. Hindi ko na kailangang ipaliwanag sayo kung paano nangyari basta yun na yon huwag ka nang magtanong. Oh anong ikukwento mo sa akin? about saan naman iyan?"
"Kay paulo ate kanino pa ba? syempre sa aking habibi." Kilig na tono na boses ni lei.
"Hay nako o anong nangyari sa inyo ni paolo?."
"Makinig ka ate ha siguraduhin mong nakikinig ka." Paninigurado nito sa akin.
"Nakikinig ako, hindi pa naman ako bingi ano ka ba dati ka bang dandruff?"
"Luh te anong connect ng dandruff saan mo nakuha iyon? Anyways so ayun na nga ate diba doon ako nakituloy kay paulo nitong mga nakaraang araw, tapos meron nung isang gabi nag-aya siya na mag-inom kami. So syempre pumayag ako kasi sino ba namang tatangi sa libre 'di ba?"
"Lei kung dineretso mo na edi sana masaya ang buhay ko ngayon. Alam kong hindi ka tatanggi sa libre patay gutom ka kasi." Pang-aasar ko sa kanya.
"Ate huwag kang basag trip. So ayun na nga ikukwento ko sayo ng slow motion para maramdaman mo yung kilig kasi alam ko na hindi ka naman kinikilig kay kuya leo. Anyways so ayun nag-inuman kami, bonding, kantahan hanggang sa nauwi sa kantutan." Tawang bigkas ni lei.
"Ikaw ang bagra ng bunganga mo siguro dapat mo nang ipatahi iyan." Asar kong sagot sa kanya.
"Alam mo ate sa lahat ng naging customer ko masasabi kong masarap si paulo kahit hindi siya isa sa customer ko. Alam mo ba yung binabayad sa akin na 10k ng mga naging customer ko noon, si paulo ate kapag kasama ko siya sa kama parang 1m yung bayad sa akin kahit wala."
"Teka akala ko ba hindi mo seryosohin si paulo? Oh ano nangyari ngayon?" Takang tanong ko sa kanya.
"Wala ito kinain ko na eat all you can kumbaga pati siya kinain ko din huy HAHAHAHAHA."
"Baliw umakyat ka na nga sa kwarto mo, at baka mamaya ilagay pa kita sa ref sa kaharutan mo."
Pinaakyat ko na si lei sa kanyang kwarto at ako naman ay mag didilig na ng mga halaman namin sa labas. Hindi naman kasi ako palagala mas gusto ko nasa bahay kesa nasa labas. Ganun lang naman lagi ang daily routine ko. Buti nalang kahit wala dito si drake andito si lei, kahit papaano hindi ako nalulungkot sa mga nanagyayari.