Lloyd POVS
Hindi pwedeng umalis si Cloey kailangan siyang mapigilan. Hindi niya pwedeng iwan si Jeric.
"Guyss!!" tawag ko sa kanila ng makarating ako sa cafeteria.
"Lloyd buti naman andito ka na. Nakita mo ba si Cloey? Kanina pa kasi namin siya tinatawagan pero nakapatay ang phone niya" Saad ni Liza sakin.
"Nakita ko siya kanina sa may locker kinukuha niya yung mga gamit niya tapos nung tinanong ko siya ang sabi niya aalis daw siya!" saad ko sa kanila.
"Aalis?!" Lahat kami napatingin sa likuran ko. Thanks at andito na si jeric lumapit siya sakin. "Sinabi niya ba sayo kung saan siya pupunta?" tanong sakin ni jeric. Nakita kong napangisi si sam.
"Oo sinabi niya sakin! Pupunta daw siya ng london at nung tinanong ko siya kung babalik pa siya sabi niya hindi niya daw alam!" saad ko nagulat nalang ako ng biglang tumakbo si jeric palabas ng cafeteria tinawag ko pa nga siya pero hindi manlang siya huminto.
"Guyss!! Tara! Nag post si cloey ngayon lang!" lumapit ako kay jaime ng sabihin niya iyon binasa ko ang caption.
"By for now Philippines"
Natigil ang pagtingin namin dun ng tumawag si Kid kay nica kaya sinagot iyon ni nica at ni-loudspeak.
"Kid!"
(Nica! Hindi niyo ba pipigilan si ate cloey? Pupunta siya ng london tinanong ko siya kung babalik pa ba siya pero sabi niya hindi na daw. Kilala niyo si ate kapag sinabi niya. Sinabi niya kaya baka dun na siya mag aral sa london dahil tinawagan din niya si mom kanina bago siya umalis!)
"Anong oras ang flight niya?"
(Ngayon, hinatid na nga siya ng driver niya eh)
"Sige sige! Pupunta kami sa airport ngayon"
(Sige! Mag iingat kayo)
Pinatay na ni nica ang tawag at tumayo na kaya sumunod na kami sa kanya. Kailangan niyang mapigilan nakakainis naman at tinuloy niya talaga ang balak niya.
*****
Jeric POVS.
Andito na ako ngayon sa taxi at kasalukuyang papunta sa airport. Ano bang balak niya at bakit siya umalis ng bansa nakakainis naman oh. Imbis na magiging okay na kami dinagdagan nanaman niya ang kasalanan niya sakin tss..
Nang makarating na ako sa airport inabot ko na ang bayad at bumaba na. Hindi ko alam kung anong oras ang flight niya pero sana hindi pa siya nakakaalis.
Hinanap ko si cloey sa mga naglalakad tinignan ko ang Billboard kung anong oras ang flight papuntang london. Nang makita ko ang oras nag kalakas ako ng loob na hanapin siya.
5 Minute nalang.
Cloey ano bang trip mo at bakit ka aalis. Nakakainis ka naman oh. Talaga bang iiwan mo ko. Hindi pa nga tayo nag kakaayos pero gumawa ka na ng paraan para magkalayo talaga tayong dalawa.
"Jeric!!" Rinig kong tawag ng mga kaibigan ko. Kaya napalingon ako sa likod.
"Umalis na si cloey. Tinawagan namin siya kanina nasa eroplano na daw siya" Jaime said.
"What?!"Napatingin ako sa Billboard wala na nakaalis na nga siya. Ang tanga ko kasalanan ko kung bakit siya umalis. Kung bakit niya ako-kami iniwan.
Dahil sa pagiging ma pride ko,dahil napangunahan ako ng galit kaya siya lumayo sakin.
Wala na tapos na. Hindi ko alam kung babalik pa ba siya pero mag hihintay ako.
MAGHIHINTAY AKO SA PAGBABALIK MO MAHAL KO..
Andito na ako ngayon sa London. Sumakay na ako sa kotse na magsusundo sakin alam nila dad at mom na andito ako dahil tinawagan ko si mom kanina bago ako umalis. Ang sabi nila nasa hotel pa sila dahil may business event kaya pinasundo nalang nila ako pupunta ako ngayon sa hotel na pag mamay-ari ni dad dahil dun ako pinapahatid nila dad. I don't know kung ano ang dahilan nila eh.
Kinuha ko ang cellphone ko ng tumunog iyon. Tinignan ko ang caller ng makita ko sinagot ko na agad.
(Where are you?)
"On the way mom!"
(Okay! Take care honey)
"Okay mom"
Pinatay na ni mommy ang caller pero bago ko pa lang mapatay ang cellphone ko tumawag sa messenger si Nica kaya sinagot ko iyon.
(Cloey! Bakit hindi mo manlang sinabi samin na aalis ka)
"Kapag ba sinabi ko papayagan niyo ba ako? Hindi naman eh tsaka I need to rest na muna masyado na akong napapagod"
(Do you want to rest? Eh kakabakasyon lang natin)
"Bakit masama bang mag bakasyon ulit?"
(Eh paano yung school mo dito? May school pa tayo)
"Sila dad na ang bahala dun tsaka baka dito na rin ako mag-aral"
(Ano?!! Iiwan mo nalang kami bigla Hays!! Sabihin mo nga ano bang problema mo?)
"Wala siguro natuto lang ako!"
(Nica sino yan?/ Si Clo-)
Fuck si jeric Hindi niya dapat ako makita.
Pinatay ko na ang tawag at nag focus nalang tumingin sa labas ng kotse.
Nang makarating na kami sa hotel sinuot ko ang sun glasses ko tsaka ako bumaba.
Pag ka pasok ko palang sa hotel sinalubong na agad ako ng secretary ni dad at ng mga body guard. Hinarang nila ang mga photographer na gusto akong interview-hin pumasok kami sa isang kwarto kung saan andun sila mom and dad.
"Mr.Hernandez andito na po ang anak mo!"sabi ng secretary ni daddy. Pinapasok naman ako ng secretary ni dad at pinaupo sa gitna ni mom and dad.
Nagtataka ako kung bakit andito ang business partner nila dad at kasama pa ang anak nila na mukhang irita na.
"Anak! Siya nga pala si Matthew. Anak ni Mr. and Mrs.Lim" Sabi ni dad. Naalala ko yung sinabi ni dad sakin nung nasa Palawan palang kami.
"Ang panget naman niyan" saad niya kaya napakunot ako noo sa kanya.
"Hoy sinong panget? Ang ganda ko kaya!" Inis na sabi ko.
"Saan banda? Pwede ba ang boring na dito gusto ko ng umuwe!" Saad naman ni Matthew.
"Saan banda? Bandang mukha! Bulag ka ba tss.." Iniinis niya talaga ako ngumisi naman siya. Argghh..
"Tss.. Ang ingay mo" saad niya. Tsaka umirap. Tss.. Gay..
"Kung ako panget ikaw naman bakla!" Inirapan ko din siya. Nanlaki ang mata niya.
"Sinong bakla? Gusto mo bang halikan kita para maniwala kang Hindi ako bakla. Pero wag nalang no nakakadiri kayang halikan ka." He said.
"Alam niyo bagay talaga kayo!" Rinig naming sabi pero Hindi namin alam kung kanino galing.
"Hindi kami bagay! Eww!!" Sigaw naming dalawa. Tss.. Kung sino man yung nag sabi non. Mangarap siya.
"So I was saying gusto kong makilala mo si Matthew. Makipag kaibigan ka sa kaniya cloey!" Dad said.
"Kaibigan?! Ako makikipag kaibigan sa lalaki na yan na feeling gwapo at mayabang tss.. No way!" Iritang saad ko.
"Kahit naman ako hindi ako makikipag kaibigan sayo. Kung ako feeling gwapo ikaw naman feeling maganda at feeling sexy. Ang taba mo naman!" He said. Pinanliitan ko siya ng mata siya naman ngumisi lang.
"Argghh.. I can take this anymore! Aalis na ako!! Mr.Uy. Pakihatid na ako sa bahay!" Saad ko sa Secretary ni dad. Nakakainis talaga siya.
Sumakay na ako ng kotse agad ng makalabas na kami ng hotel. Habang nasa biyahe ako may tumawag sakin ng tignan ko ang caller di ko na pinansin.
Bakit ba ganyan ka jeric. pwedeng mag stop ka muna. sarili ko muna ang iisipin ko. wala namang tayo pero daig mo pa ang boyfriend.
Nang makarating na kami sa bahay bumaba na ako ng kotse at pumasok sa loob.
"Welcome back po young lady!" saad ng isang yaya. Hindi ko nalang pinansin dumeretso lang ako sa sala.
Shems.. I miss him.. Akala ko kapag lumayo ako hindi ko siya maiisip pero s**t. Ano ba tong nararamdaman ko sayo jeric.
Matutulog na lang ako o kaya naman mamasyal na lang ako sakto nagugutom na ako.
Lumabas ako ng mansyon at sumakay sa kotse ko. Namimiss ko ng kumain ng noodles ni Antie Sally eh. Andito na ako ngayon sa tapat ng restaurant ni antie.
"Hey! Kuya George si antie sally?!" saad ko. Kaya nanlaki ang mata niya ng lingunin niya ako sisigaw na dapat si kuya george pero tinakpan ko na ang bibig niya.
"Naglilinis siya! Puntahan mo na sigurado akong namiss ka non!" he said kaya tumango ako at nagpunta na kay antie sally na naglilinis.
Tinakpan ko ang mata niya kaya nagulat siya. "S-sino to?" tanong niya.
"Hulaan mo!" pang-aasar ko.
"C-Cloey?!" nauutal na tanong niya tinanggal ko na ang kamay ko tsaka siya hinarap ng nakangiti.
"Surprise! Miss me antie?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.
"Nami-miss mo yung noddles no?" tanong niya sakin kaya tumango ako. "Hindi pa naman kami bukas eh! Mamaya pa!" saad niya.
"Edi.. ipagluto mo nalang po ako ng favorite noodles ko! Dali na antie! Pleasee.." with puppy eyes pa yan ah. Ngumiti si antie sakin tsaka kinurot ang pisngi ko.
"Osha! sige na. Maupo ka na at ipagluluto kita ng masarap na noodles! Saglit lang ah!" tumango naman ako tsaka siya umalis.
Habang naghihintay ako nag open ako ng messenger baka sakaling may chat na sila nica sakin at tama ako meron na. Sandamak-mak na chat pero ang binuksan ko lang ay ang isang chat na galing kay jeric.
Hi! Kamusta ka jan? Miss ka na ng barkada at mas lalong miss na kita. Alam mo nakakainis ka eh! Bakit kasi umalis ka ng hindi manlang nagpapaalam samin o kaya sakin kay lloyd lang talaga. Kung hindi siguro sinabi ni Lloyd yun maghahanap pa ako sayo.
May kasalanan ka na nga sakin dinagdagan mo pa. Pero wag kang mag-aalala okay na ako. Napatawad na kita. Narealize ko kasi kung wala ka sakin paano na ako!
Hihintayin ko ang pag babalik mo. Kahit gaano pa yan katagal. Hihintayin pa rin kita.
Di ko napigilan na maiyak, Bakit ba? Ano ba tayo jeric? Naguguluhan na ako. Kaibigan lang ba talaga o hindi na yun ang tingin mo sakin. Psh.. Nakakaistress.. Gosh..
"Oh eto na ang noodles mo! Mukhang malalim ang iniisip mo ah! May problema ka ba?" tanong sakin ni antie.
"Wala po ito antie. Nagugutom lang ako. whoo!! My favorite noodles" saad ko. tsaka inumpisahan na ang pagkain.
Whaaa.. Siguro pag bumalik nanaman ako dito baka ito nanaman ang una kong kainin. Nakakawala kasi ng stress ang noodles na ito eh.
At kapag bumalik ako dito. Sisiguraduhin kong magkasama kami ni jeric na kakain dito. I miss him so much and i love him so much..
*****