Danica POVS.
Habang kumakain kami sa cafeteria may narinig kaming mga sigawan akala mo naman may artista na dumating tss..
"Bro si cloey nanjan na daw!"
"Ano?! Tara-Tara!"
Rinig naming pag-uusap ng dalawang lalaki tsaka sila tumakbo. Cloey?! Nanlaki ang mata namin ng marinig ang pangalan na yun kaya nakitakbo na din kami sa mga student dito.
Gosh namiss ko siya. Lalapit na sana kami kaso hindi natuloy dahil sa nakita namin lahat kami natulala dahil may isang babaeng nag bigay sa kanya ng cake kaso hinalamos lang ni cloey ito sa mukha ng babae.
"I don't like your f*****g cake!" walang emosyong sabi ni cloey.
"Hindi naman sakin galing yan eh! Pinabibigay lang yan! B-bakit mo hinilamos sakin" saad ng babae. pero tinaasan lang siya ng kilay ni cloey.
"I don't care! pasabi sa nagpapabigay ng cake na hinilamos ko sayo kinain mo na!" saad ni cloey tsaka binangga ang babae.
Kaya tumakbo na kami sa kanya para huminto siya. Tinaasan namin siya ng kilay kaya ngumisi lang siya.
Niyakap namin siya ng sobrang higpit f**k namiss namin ang b***h na to.
"Sinurprise mo naman kami sa pagbabalik mo!" Saad ni liza habang nakangisi.
"Oo nga bakit hindi ka manlang nag text o tumawag samin na pabalik ka na pala! Pshh.. Nakakatampo ka!" Nakapout na saad ko.
"Edi kapag sinabi ko hindi na surprise yun! Alam niyo namiss ko kayong mga bruhilda!" Nakangiting saad niya.
"Bakit ka nga pala napabalik ng pilipinas?!" tanong ni jaime.
"Well namiss ko kasi kayo kaya umuwe ako! bakit hindi niyo ba ako namiss?" tanong ni cloey samin.
"Syempre namiss ka namin!" saad ko. kaya ngumisi lang siya samin at nauna ng maglakad. Pero alam kong hindi lang yun ang dahilan niya.
Sumunod na kami sa kanya papasok ng cafeteria at ang ikinagulat namin ay ang paghalik niya sa labi ni jeric na nakatulala na kahit naman si sam at Lloyd ay napatulala pwera lang kay zyrill na nakakunot ang noo at nakaawang ang bibig.
Mukhang magandang palabas to ah. Well hintayin natin ang susunod na mangyayare.
*****
Cloey POVS.
Lahat sila nagulat dahil sa ginawa kong pag halik sa labi ni jeric. Kaya napangisi ako at tumingin ng nang-aasar sa Zyrill na linta na yun.
"Opss!! Sorry! Akala ko kasi insecto tao pala! Gulat ka?!" pang-aasar ko kay zyrill. Imbis na sagutin niya ang tanong tinignan niya si jeric na parang nagtataka.
"Sino siya jeric?" nagtatakang tanong niya.
"She's my f-" hindi ko na pinatuloy sa sasabihin niya si jeric.
"I'm his GIRLFRIEND" napakunot naman ang noo si zyrill.
"Girlfriend?!" tanong ni zyrill.
"Bingi ka ba o sadyang nabibingi-bingihan lang! GIRL.FRIEND.NIYA.AKO! Gets mo na? o baka gusto mo pang patunayan ko sayo!" I said in sarcastic voice.
"Ahh girlfriend ka pala niya akala ko alalay kalang niya! Kasi mukha kang manang eh!" She said sabay smirk.
"Gosh!! Sa ganda kong to mukha akong alalay! Wow ah! Big words! Kesa naman sayo insecto! Alam mo kung anong uri ng insecto ka?"I said in sarcastic voice.
"Ano?!" saad niya.
"Interesado ah! Well para sa ikakatahimik mo isa kang linta. Kasi kung makadikit ka akala mo sayo! Akala mo pag-aari mo! akala ko nga nung unang kita ko sayo G.R.O ka or Hostess!" Pang-iinis ko sa kanya. Nabigla ako ng dumapo ang kamay niya sa pisngi ko.
"How dare you! para sabihin sakin yan! huh? Hindi mo ko kilala kaya wala kang karapatan!" sigaw niya sakin. Dahan-dahan kong nilingon siya tsaka siya sinapak sa ilong. kaya napaupo siya sa sahig habang hawak-hawak ang ilong niyang dumudugo.
"Ikaw na nga ang nag sabi hindi kita kilala kaya wala ka ring karapatan na sampalin ako!!" sigaw ko pabalik sa kanya.
"Your such a devil!" sigaw niya sakin. Nang sabihin niya yun lumapit ako sa kanya at umupo para magkapantay kami.
"Yeah! you're right! I'm a devil kaya sa susunod na kalantariin mo pa ang pag mamay-ari ko hindi lang yan ang mangyayare sayo dahil handa akong pumatay ng tao para makuha ang dapat ay sakin!"saad ko sa kanya at tatayo na sana ako ng bigla niyang hablutin ang mahaba kong buhok. argghh.. lagi nalang bang buhok ang puntirya nila hindi ba pwedeng sapakan nalang papalag naman ako eh.
"How dare you! how dare you!" tili niya habang hawak ang buhok ko. nakatayo na rin siya habang hawak pa rin niya ang buhok ko. Argghh.. kailangan kong lumaban.
Hinawakan ko rin ang buhok niya at kinalmot ang mukha niya akala niya ba kaya niya ako. No! hinding-hindi niya ako kakayanin. Nang mapabitaw siya sakin sinampal ko siya ng maraming beses. pupugutan ko talaga siya ng ulo.
Akmang sasampalin ko ulit siya pero hindi natuloy dahil sa pagtutuk niya ng kutsilyo sakin. paano siya ng kaganon.
"Subukan mo kong saktan ulit hindi ako mag dadalawang isip na isaksak sayo itong kutsilyo na to!" pananakot niya sakin. lahat na ng istudyante ay nagpapanicked na.
Ngumisi ako sa kanya "Sige saksakin mo ko tignan nalang natin kung saan kang impyerno mapupunta!" saad ko sa kanya.
Lalapit na sana ako sa kanya pero naunahan niya ako at ang eksena ay nangyare ang hindi ko gustong mangyare.
Nasaksak niya ako kaya napaatras ako nawalan ako ng balanse buti nalang at may nakasalo sakin at naaninag ko ang mukha niya tsaka ako ngumiti sa kanya at bigla ng nagdilim ang paningin ko.
Jeric POVS.
"Gosh! Kinakaban ako! Paano kung may mangyareng masama sa bestfriend ko!" Natatarantang saad ni nica. Nahihilo na nga ako kasi sinusundan ko ang paglalakad niya.
"Pwede ba Danica wag ka ngang mag salita ng ganyan! Walang mangyayare kay cloey!" Naiinis na saad naman ni Jaime.
"Oo nga danica atsaka pwede ba maupo ka nga kanina pa ako nahihilo sa kakalakad mo pabalik-balik! Arghh.." Naiinis din na sabi ni Liza. Hindi lang naman siya pati ako.
Wala sila Lloyd dito ngayon dahil nasa prisinto sila dinala nila sa prisinto si zyrill. Dahil lang sa selos nangyare to.
Bakit kasi pumayag akong makipag-kaibigan Kay zyrill eh. Hindi ko inisip ang kakahantungan nito.
Lumapit kami sa doctor ng lumabas na ito galing operation room.
"Kamusta po ang kaibigan namin?" tanong ni Liza. Ngumiti naman ang doctor bago mag salita.
"She's okay now! Don't worry. Because her wound is not deep but it's a good thing you took her to the hospital right away otherwise. She might have lost blood" Ngumiti siya samin kaya nag thank you na kami sa kanya bago siya umalis.
"Where she is? Kamusta siya? Malalim ba ang natamo niyang saksak?" Tanong ni kid samin ng makarating siya kasama ang girlfriend niya.
"Okay na siya! Ang sabi ng doctor Hindi naman daw malalim ang saksak nagpapahinga nalang siya!" Saad ko Kay kid.
"Thanks god!"he said at malalim na buntong hininga ang nilabas niya.
"Wait kid! Alam ba nila tito ito?" Tanong ni Jaime. Pero umiling lang si kid.
"Hindi ko na sinabi sa kanila baka kasi lumuwas pa sila ng pilipinas at dalhin si ate cloey sa London. Hindi naman magugustuhan iyon ni ate cloey kapag nangyare yun baka mag wala lang siya" napatango nalang kami sa sinabi ni kid at napag desisyunan namin na ipalipat na si cloey sa private room.
Dumating na din naman sila Sam at Lloyd tsaka binalita samin ang nangyare. Hindi daw pwedeng makulong si zyrill dahil masyado pa daw siyang bata. Kaya nag ka record lang daw si zyrill sa police station.
Aabutin daw ng tatlong araw ang pagstay ni cloey dito sa hospital para mag pagaling at dahil gabi na din umuwe na muna sila nica at sila sam. Ako nalang ang nag paiwan dito para mag bantay kay cloey. Tulog pa rin siya hanggang ngayon pero nakabili na ako ng pagkain namin para mamaya pag gising niya makakain na siya. Lugaw lang binili ko para sa kanya dahil mahihirapan pa siyang kumain mamaya dahil sa sugat niya.
Tinawagan ko na din sila mama para sabihin na nasa hospital ako binabantayan ang kaibigan ko dahil wala namang magbabantay sa kanya nung una hindi sila pumayag pero nung sinabi ko ang pangalan ni Cloey pumayag na sila. Malalakas din ang tama eh.
Napaayos ako ng upo ng makitang gising na si cloey. Kaya niyakap ko siya ng mahigpit.
"Argghh!" Daing niya ng matamaan ko ang sugat niya sa may tagiliran.
"S-sorry!" Paghingi ko ng tawad sa kanya. Pero ngumiti lang siya.
"Okay lang! Nagugutom na ako!" Saad niya kaya tumango ako at inayos na ang pagkain niya. Papakainin ko muna siya siguro mamaya nalang ako kapag tapos na siya busog pa naman ako eh.
"Kumain ka na muna habang mainit pa!" Saad ko sa kanya. Kaya akmang kukuhanin na ang hawak kong mangkok pero hindi siya nag tagumpay kasi inilayo ko sa kanya iyon.
"Susubuan na kita! Hindi mo pa kaya!" Pag-bawal ko sa kanya.
"Pero kaya ko na hindi na ako baby para subuan mo pa ako!" Saad niya. Akmang kukunin nanaman niya pero inilayo ko ulit iyon sa kanya.
"Baby ka pa! Dahil baby kita! Kaya ngumanga ka nalang!" Saad ko sa kanya. Nakita Kong namula ang mukha niya kaya napangisi ako. At nginuso ang kutsara na isusubo ko na sa kanya kaya ngumanga na siya.
Sinubuan ko lang siya hanggang sa maubos na niya. Kaya inilagay ko sa lamesa ang mangkok na simot.
"Sorry!" Sincere na sabi niya.
"Para naman saan?!" Tanong ko sa kanya.
"Dahil sa ginawa ko! Sorry jeric" paghingi niya ulit ng tawad kaya kinurot ko ang pisngi niya.
"Ang cute mo talaga! Pero teka nga bakit mo ba ginawa yun?" Tanong ko sa kanya.
"Dahil ano!" Saad ni cloey habang nakayuko.
"Dahil?!" Tanong ko sa kanya.
"Dahil ano. Nag s-selos lang naman ako eh kanina kasi ang sakit sa mata ng linta na yun eh!" Saad niya kaya napangisi ako. Linta? Linta tawag niya.
"Hindi naman kasi ako ang lumalapit sa kaniya eh. Siya lang yun" saad ko.
"Kahit na! Mukhang masaya ka pa nga sa kanya eh. Alam mo bang yun ang kinakainis ko yung makitang masaya sa iba yung taong mahal ko." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Talagang straight to the point ah.
"Hayss yung gangster kong girlfriend nag dadrama nanaman! Tsk tsk" pang-aasar ko sa kanya nanlaki naman ang mata niya dahil sa sinabi ko.
"G-girlfriend?" Gulat na tanong niya at bahagya pang namula. Halata sa kanya dahil maputi siya.
"Oo girlfriend diba sabi mo girlfriend kita." Napaiwas siya ng tingin sakin kaya natawa ako.
"Yahh!! Bakit ka tumatawa?!" Nakakunot noong sabi niya.
"Ang cute mo kasi eh!" Nakangiting sabi ko sa kanya. "Pero ammpp may gusto sana akong sabihin sayo!" Seryosong saad ko sa kanya.
"A-ano naman?" Tanong niya sakin.shit kinakabahan ako. Aaminin ko na ba sa kanya. Oo tama ito na yung oras na yun.
"Cloey! M-mahal k-kita! P-payagan mo ba akong m-manligaw s-sayo?" Nagulat naman siya sinabi ko pero bandang huli napangiti naman siya.
"Mahal din naman kita eh sabi ko nga diba handa akong makipag p*****n makuha ko lang ang sakin!" Napangiti naman ako dahil alam ko na ang nais niyang iparating pumapayag siya pero kailangan muna nating iconfirm.
"So pumapayag kang ligawan kita?" Diretsong saad ko tumango naman siya kaya napangiti ako tsaka siya dinamba ng yakap at ngayon lang ako umiyak sa babae tears of joy kumbaga.
"A-aray! Yung sugat ko jeric!" Saad niya kaya napangiwi ako.
"Sorry! Masaya lang kasi ako eh" pinunasan naman niya ang luha na kanina pa tumutulo.
"Hindi pa naman ako patay eh bakit umiiyak ka!" Dahil sa sinabi niya pinitik ko ang noo niya kung ano-ano kasi sinasabi eh.
"Aww!!" Daing niya habang hinihimas ang noo niya.
"Kung ano-ano kasi sinasabi mo Hays!!" Nag pout naman siya at ang kinagulat ko ay ang pagkiss niya sa labi ko. Kanina pa to ah. Nakakadalawa na siya.
"Sorry na!"nakangiting saad niya. Ginulo ko naman ang buhok niya kaya napangiti siya.
Swerte? Yes yun ako ngayon. Swerte kasi mahal din ako ng taong mahal ko. Akala ko nga kapag once na umamin ako sa kanya ay malalaman kong Hindi siya papayag. Yun pala nagkamali ako. Marami talagang namamatay sa maling akala buti nalang buhay pa ako.
*****