Lumipas ang ilang araw na puro pasyal,swimming,bonding lang ang ginagawa namin. Last day na namin ngayon. Gabi na at maagang natulog ang mga kasama ko. Ako ito Hindi makatulog. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni daddy.
Siya nanaman ba ang masusunod? Mukhang Hindi ko na kakayanin ito. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko kapag nakilala ko na ang sinasabi ni daddy at Hindi ko din alam kung ano ang dahilan ni daddy.
Lumabas ako ng kwarto at nag tungo sa beach tsaka naupo. Well ito nanaman ako tahimik at nagmumuni-muni hanggang sa may naramdaman akong taong tumabi sakin.
"Andito ka nanaman?" Rinig kong tanong ng tumabi sakin. And I know kung kaninong boses yun kay sam.
"Yeah! Hindi kasi ako makatulog eh!" Sagot ko sa kanya habang nakatingin sa kalangitan.
"Ah parehas pala tayo!" He said. Tahimik lang ako habang nakatingin sa mga alon ng dagat dinadama ang hampas ng hangin.
"Ah! Cloey, May problema ka ba?! Kasi lagi kitang naaabutan ditong mag-isa at nagmumuni-muni" He asked.
"Okay ako kapag maliwanag pero kapag madilim na nawawala ang saya ko. Inaalala ang lahat ng mga sakit na nararamdaman ko. Kung wala ba akong karapatang maging masaya! Kung wala ba akong karapatan na mag desisyon para sa sarili ko. Kasi alam mo nasasakal ako. Nasasakal ako sa mga desisyon ni daddy para sa future ko." I said. Pinunasan ko agad ang mga luhang tumutulo galing sa mata ko.
"Shhh.. Alam mo bang ganyan din ako dati. Hanggang ngayon! Si mommy. Gusto niya akong ipakasal sa kabusiness partner namin. Pero Hindi ko naman mahal yun. Pero alam mo ba kung ano ang ginawa ko? Pinaglaban ko ang desisyon ko. Sinabi ko kila mommy na hindi ko naman Mahal yung babae na yun. Oo nagalit si mommy dahil sa sinabi ko. Pero habang nagtatagal naiintindihan naman ni mommy. Kaya Hinayaan na niya ako sa magiging desisyon ko." He said. Buti pa siya.
"Haysss.. Buti ka pa. Pero ako wala! Walang kalayaan! Sana yung mommy mo katulad din ng daddy ko. Sana marealize niya na Hindi na ako bata at kaya ko ng iguhit ang future ko" I said.
"Hays!! Alam mo iinom na lang natin yan dito ka lang kukuha lang ako ng beer sa loob ng bahay!" Sam said. Tumango lang ako at ngumiti. Bumalik siya sa bahay. Ako naman ay nahiga sa mga buhangin. Tinignan ang mga bituin.
Nanlaki ang mata ko ng may nakita akong shooting star na dumaan. Kaya pumikit ako at nag wish. Sabi nila kapag may dumaan daw na shooting star pumikit kalang at mag wish tutuparin daw nito ang hiling mo.
I wish na sana balang araw maisip ni daddy ang mga ginagawa niya.
Dumilat na ako at ngumiti. Tumayo naman ako ng dumating na si Sam na may dalang isang plastic ng can of beer. Well madami talaga kaming can ng beer sa bahay. May kwarto kasi sa bahay na puro alak ang nakagay.
"Ang dami naman neto! Magsasabi ka ba ng hinanakit tsaka iiyak tss.." Pang-aasar ko.
"OKs na yan!" He said. Tsaka ngumiti nagkibit-balikat lang ako tsaka kinuha ang isang can ng beer.
Nag kwentuhan lang kami, nag tawanan. Nag saya. Dalawa nalang ang can ng beer na andun. Kaya kinuha ko na iyon tsaka tumingin sa dagat.
"Uhmm.. Cloey!" Tawag sakin ni Sam kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang mga mata niyang kulay brown at ang pilikmata niyang mahaba. "Kapag ba may umamin sayo na gusto ka niya! Tatanggapin mo?" Tanong niya sakin.
Napakunot ang noo ko "ahmm.. Oo naman. Gusto lang naman at walang malisya yun." Seryosong saad ko. "Pero sino naman ang aamin sakin na gusto niya ko?"
"Kapag sinabi kong a-ako!" He said. Napalingon ako sa kanya at napataas ang kilay. Siya gusto ako. Grabe ah.
"You like me?! Nag jo-joke ka ata eh!" I said. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay at pisngi ko. Wait! Anong gagawin niya?
Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa sakin. Whaaa... Hahalikan niya ba ako. Pero tatayo na sana ako ng magdampi na ang labi namin na ikinaguho ng mundo ko. Ang lambot ng labi niya s**t.
"Sam?! B-bakit?" Napalingon kami ni sam sa nagsalita na si Jeric. Fuck.. Tumayo ako at nilapitan siya pero tinulak niya lang ako.
"Wag mo kong hahawakan!" He said. Tinulungan naman akong tumayo ni Sam at tsaka siya lumapit Kay jeric.
"Jeric! Let-" nagulat ako ng sapakin ni Jeric si Sam. "Hayop ka! Akala ko ba walang talo-talo Sam? Pero bakit mo ginawa yun?" Nanggigigil na sabi ni Jeric.
"Jeric teka!" Sigaw ko. Habang palayo na siya. "WAG NIYO NA AKONG TATAWAGIN AT WAG NIYO NA DIN AKO LALAPITAN KAHIT KAILAN!" Sigaw ni jeric. Wala akong nagawa kundi ang maupo at umiyak nalang.
"Sorry cloey!" Paghingi ng tawad ni Sam. "You don't say sorry. Wala kang kasalanan!" I said. Tsaka tumayo na at bumalik ng bahay.
"Alam niyo ba kung nasaan si jeric?" tanong ni Lloyd kila jaime pero nagkibit balikat lang naman sila.
"Ang alam ko ay umuwe na siya. kagabi ata siya bumiyahe. Ewan!" walang emosyong sabi ng kapatid ko.
Sino ba naman ang hindi uuwe agad diba. Dahil sa nasaksihan niya. Hindi ko alam kung bakit ang tamlay ko. Ewan. Masyado ata akong naguilty kagabi.
Andito na kami sa airport Hindi na private plain ang sasakyan namin kundi makikisabay na kami sa mga pasahero ng eroplano.
"Tara na guys nagtatawag na!" Singhal naman ni nica. Tumango naman Sila at hinila na ang mga gamit na bit-bit nila.
"Let's go?" Saad naman ni sam. Nag nod lang ako at hinila na ang gamit ko.
Katabi ko si sam sa eroplano. Dito niya kasi mas napili maupo eh. Naiisip ko pa rin ang nangyare kagabi. Nagu-guilty ako na ewan basta.
"Iniisip mo pa din ba ang nangyare kagabi?" Tanong sa akin ni sam habang nakatingin sa cellphone niya.
"Oo naman! Nagu-guilty kasi talaga ako eh at hindi ko din alam kung bakit nararamdaman ko ito" sagot ka sa kanya.
"Nagu-guilty ka ba dahil baka magalit siya sayo o nagu-guilty ka dahil ayaw mong masira ang friendship namin?" Saad niya. Kaya tinignan ko siya.
"Parehas" at sabay iwas ulit. Hays.. Nakakainis Hindi ko magets ang sarili ko.
"Wag mo ng isipin yun. Tanggap ko naman kung magalit siya sakin eh kasalanan ko naman eh. kung ako sayo matutulog na lang ako at Hindi iisipin yun" He said. Habang nakatingin parin sa cellphone niya.
"Kakausapin ko nalang siya bukas kapag pumasok siya!" Saad ko. "Bahala ka!" He said. Nanatili lang akong nakatingin sa ulap. Ang aliwalas naman titigan ng mga to.
Lumipas ang ilang oras ng makalapag na ang eroplano kaya kinuha nanamin ang mga gamit namin at bumaba na.
"Whaaa... Namiss ko dito! Pero mas namiss ko ang palawan" Sigaw naman ni Nica at Lloyd. Ang kulit nilang dalawa.
Sumakay na kami sa van namin na nag aantay sa labas ng airport. Tahimik lang ako sa biyahe habang nakikinig ng music sa cellphone at nakatingin sa bintana.
Nang makalipas ang ilang oras na pag biyahe nakauwe na kami sa aming mga bahay. Nang makarating na kami sa bahay nauna na akong bumaba ng kotse at kinuha ang gamit ko.
"Hey ate! Kanina ka pa tahimik ah! What's wrong?" tanong sakin ni kid tumingin lang ako sa kanya at ngumiti.
"Nothing! Pagod lang ako" cold kong sabi at umakyat na sa taas para pumasok ng kwarto at mag pahinga na.
Nakakainis. I'm so guilty. I don't know kung bakit ganito ang nararamdaman feeling ko nakasakit ako ng isang tao na kahit ako nasasaktan din.
Bukas ko na nga lang iisipin yun. Inaantok ako ngayon. Magpapahinga na muna siguro ako mas magiging mabuti kung itutulog ko nalang to.
So. Ciao.
*****