Sarado ang inuupahan naming bahay ng makarating ako. Na bagamat may ilaw na sa loob ay mapapansing tila walang tao dito. Kinabahan ako sa nasaksihan ko. Naka locked din ang entrance door nito, kaya naman napilitan pa akong hanapin ang susi ang mula sa sling bag ko, at agad nga itong binuksan. May kakaibang pakiramdam itong dulot sa akin. Ito din kasi ang unang pagkakataong hindi ako magsabing uuwi ako. At putcha, isang sorpresa ko sana ngunit ako ang maso sorpresa… Pootek! Napabugtong hininga pa ako ng tuluyan ng makapasok sa kalooban ng bahay. At pitikin ang switch ng ilaw sa gilid ng dingding na malapit lang sa pintuan. Mapapansin din ang mga nagkalat na towel na ginamit nila siguro na nakasampay sa silya. Mga pinagbihisang damit na maayos na nakalagay sa laundry basket. Lumapit

