CHAPTER 2
Ilang beses ko na nga ba siyang nahuhuli na ka-text, ka-chat at ka-call ang dating ex niya. Hindi ko maintindihan kung anong pinagkaiba na ‘min ng ex niya at kung bakit ayaw niya akong balikan. Mas malala pa nga ang dating girlfriend niya dahil may kinakasama itong lalaki, nakadepende din ang mga anak niya sa ama nito, habang ako ay mag-isang pinapalaki ang anak ko. Bakit mas gusto niya ang magulong daan kesa piliin ang madaling daan kasama ako?
“Hey? Anong iniisip mo?” tanong sa ‘kin ni Elleb habang papunta kami sa isang exclusive resort ng kaibigan na ‘min. Napalingon ako sa kanya habang nagmamaneho ito ng sasakyan habang ako naman ay nakayakap sa ‘king anak. “Huwag mong sabihing nakatulog ka habang dilat ang mata?” natatawang tanong niya.
“Hindi ah! May iniisip lang ako.” Sagot ko saka mabilis na iniwas ang paningin ko sa labas ng kotse.
“Tigilan mo na kasi ang kakaisip sa ‘kin.” I rolled my eyes at piniling hindi sumagot. Ewan ko ba pero na PPMS ako ngayon sa kanya. Naalala ko na naman kasi kagabi na hindi ko siya matawagan dahil kausap niya si Jelai sa kabilang linya. Palagi na lang ganyan. Kung wala ako sa tabi niya ay nakikipag chikahan naman siya kay Jelai. Paano siya makakamove-on niya? Psh! Sino bang may sabi na gusto niya ring mag move-on?
Pero bakit ko ba siya hinahabol-habol? Kung tutuusin ay okay naman ang buhay ko bago siya bumalik sa ‘kin. It was my daughter’s birthday nang magkita ulit kaming dalawa. Actually, marami sa mga kaibigan na ‘min ang pumunta at nandoon rin siya. Nong panahon na ‘yun ay hindi pumunta si Hale dahil may mas importante siyang gagawin. Pakiramdam ko nga ay sinadya ‘yung mangyari para makita at makasama kong muli si Elleb.
** FLASHBACK **
“Sigurado ka bang okay lang kahit wala ako bukas? Birthday pa naman ni Angel.” Malungkot na wika ni Hale sa kabilang linya. Ilang buwan na bang Malabo ang relasyon na ‘min? December nang makipaghiwalay ako sa kanya pero hindi siya pumayag at pinuntahan niya ako sa Davao para kausapin at makipag-ayos. Hindi pa rin nawala ang lamig sa aming relasyon hanggang sa umuwi sila sa kanila.
Nagtagal ‘yun ng ilang buwan at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami okay. Minsan nga tinatanong ko sa sarili ko kung ano pang meron sa relasyon na ‘min? Hindi ko na siya mahal, wala na rin akong tiwala sa kanya dahil ilang beses niya na rin akong niloko at ninakawan ng pera. Ngunit hindi ko mahanap ang sagot kung bakit mas pinili ko pa ring pakisamahan siya kahit ayaw ko na.
“Okay lang naman. Nandito naman ang mga kapatid ko at ilang putahe lang din ang in-order ko para bukas. Everything was fine. Don’t worry.” Bored na sagot ko. Nakahiga ako ngayon sa tabi ni Angel at pinagmamasdan ang anak ko.
Madalas nakikita ng anak ko ang away at bangayan na ‘min ni Hale. Magkaibang-magkaiba kasi si Hale at ang dating ex ko. Madalas ko silang nai-kukompara kaya rin siguro mas nawalan ako ng gana sa kanya. Okay lang naman si Hale sa pag-aalaga sa anak ko at sa ‘kin pero may pagkakataon talaga sa isang relasyon na hindi lang dun nakabase lahat sa pag-aalaga at sa atensyon.
Minsan niya na rin akong niloko at pinaniwala sa mga salita niyang akala mo naman ay totoo. May pagkakataon pa na nagsisigawan at nagmumurahan kaming dalawa. Wala na rin akong tiwala sa kanya dahil ilang beses ko na siyang nahuli na may-iba. Hindi lang ‘yun dahil pati pera ko ay pinakialaman niya. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali dahil para sa ‘kin ay binigay ko naman lahat dahil ayokong iwan niya ako tulad ng mga taong nang-iwan sa ‘kin. Ngunit mali pala ang naging desisyon ko dahil mas lalong nasira ko ang sarili ko dahil sa pagmamahal sa taong mahal ka dahil kailangan ka.
“Sigurado ka ba? Sino bang pupunta bukas? Darating rin ba ang mga kaibigan mo? Eh si Elleb?” tanong niya.
“Ano naman kung pupunta si Elleb?”
“Wala lang. Miss mo na ba siya?” malungkot na tanong niya.
Kung meron man akong maling nagawa sa relasyon na ‘min, ‘yun ay manatiling in love sa dating ex ko na si Elleb. Ilang beses niya na bang nagpagselosan si Elleb? Sinusubukan ko namang makabangon sa relasyon na ‘min ni Elleb. Pinaramdam ko rin naman kay Hale na mahal ko siya kahit na pinipilit niya na si Elleb ang mahal ko at hindi siya. Hindi ko naman nauutusan ang puso at hindi ko naman tinanggi sa kanya ang nararamdaman ko.
“Alam mo namang sinusubukan ko, ‘di ba? Nangako na ako sa sarili ko babangon ako mula sa pagkakalugmok ko sa kanya.” Napabuntong hininga na lamang ako. Nahihirapan rin ako dahil siya lang ang kaisa-isahang ex ko na napapanaginipan ko. “Isa pa, hindi ako sigurado kung darating siya bukas.” Which is true! Sinabi ko sa kapatid niya na pumunta sila but Elleb didn’t say anything about it.
“Okay. Text me tomorrow if you’re not busy, okay? I love you.”
“Okay.” Akala ko ibababa niya na ang tawag pero nanatili pa rin siya sa kabilang linya, “What?”
“Nothing. Ang lamig mo na naman. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa ‘yo. Galit ka ba na hindi ako makakapunta bukas? Sinabi ko naman sa ‘yo ‘di ba na wala akong pera papunta dyan at schedule ng vaccine ko. Minsan iniisip ko na baka galit ka dahil hindi ko na naman nabibigay ang gusto mo.”
“Sino bang may sabing galit ako?” tanong ko sa kanya. Kung tutuosin ay mas gusto kong wala siya. Pag nandyan kasi siya ay laging nabu-buw*sit ang araw ko sa kanya. Nong binyag ng anak ko, nag away kami at sinaktan niya ako dahil sa kakatulak niya sa ‘kin. Nong first birthday at second birthday ng anak ko ay nag-away na naman kami. Kahit birthday ko ay magkaaway kami. Ewan ko kung anong trip niya at parang talent niya ng sirain ang especial na araw ko. “Don’t act as if we’re okay, Hale. Alam mo namang hindi tayo okay at hindi na tayo magiging okay.”
“That’s it! Gusto mo talaga akong pumunta dyan! Hindi mo nga talaga ako naiintindiha.” So immature! Hindi ako ‘yung tipo ng tao na nagagalit para lang sa maliit na bagay. Ayokong magpaliwanag, ayoko siyang suyuin, ayoko na siyang kausap. Napabuntong hininga na lamang ako.
“Ikaw bahala kung anong gusto mong isipin.”
Pagod na pagod na akong ipaliwanag sa kanya kung bakit ayaw ko na. Siguro naman sapat na ang tatlong taon na pagtitiis ko sa kanya. Ayoko na at sa tuwing naalala ko pa ang mga panahon na sinasagad niya ang galit ko ay mas lalo ko lang siyang kinakamuhian. May mga kasalanan siya sa ‘kin na hindi ko na kaya pang tiisin pa at hindi ko na kayang balikan pa kahit anong pilit niya.
“Zoey, ‘wag mo namang gawin sa ‘kin to ngayong malayo ako.”
“Bakit? Ano bang ginawa ko sa ‘yo?” hindi siya agad nakasagot.
“Nothing. Sige na, bye.” Saka niya binaba ang kabilang linya. Napatitig ako sa cellphone ko. Siguro kung mahal ko pa rin siya hanggang ngayon at kung siguro may tiwala pa ako sa kanya, baka sa mga oras na ‘to ay kinukulit ko na siya sa mga tawag at text ko. Ngunit magkaibang-magkaiba na ang relasyon na ‘min noon, sa relasyon na meron kami ngayon.
** END OF FLASHBACK **
“We’re here!” bumalik ang atensyon ko kay Elleb. Narating na na ‘min ang resort at ilang sandali pa ay binuksan nito ang kabilang pinto kaya tumingala ako sa kanya. “Akin na si Angel. Mabigat pa naman ‘to.” Saka niya kinarga ang anak ko. Napangiti ako sa kanya bago lumabas sa kotse. Habang nakatitig sa kanilang dalawa ng anak ko, alam ko sa sarili ko na nasa mabuting kamay na ako.