THIRTY SEVEN Ilang araw pa sila sa hospital bago idinischarge ng doctor si Hans, at ito siya ngayon inaayos na ang mga gamit ng asawa niya kuno, na tila naman walang pakialam sa 'kanya. She sighed deeply at binalikan ang mga sinabi sa 'kanya ni Blaze noong nag-usap sila. “I’m sorry if ke'langan mong magpanggap na asawa niya, at sorry if dahil doon nasasaktan ka niya, but please tulungan mo siyang bumalik ang alaala niya sayo, dahil sa nakikita namin ngayon sa'kanya, bumabalik ang monster cold Hans na kilala namin at alam namin na ikaw lang ang makakabalik sa bagong Hans ngayon. We guys knew that you two love each other, saksi kami doon,” Blaze said. “So please, hayaan mo nang isipin niyang asawa ka niya. “But Blaze, paano kung hindi na pala niya ako maalala, paano pala kung hindi

