THIRTY FIVE Lakad takbo ang ginawa nilang dalawa ni Blaze ng makarating sa Hospital. Nadatnan nilang nasa labas ng operating room nakaupo si Seb, Galen, Theron kasama si Jewel. Nanginginig ang kamay niya ng hawakan iyon ni Blaze at pisilin. “Rei’ tawag sa 'kanya ni Jewel na kita na dito ang pamumugto ng mga mata. Yumakap naman siya dito at doon na pinakawalan ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. “SHhhhhhh, tahan na, matapang si Hani, magtiwala lang tayo sa 'kanya.”pang- aalo nito, habang hnahagod ang kanyang likod. Napabitaw siya ng yakap ng lumabas ang doctor sa pintuan ng operating room. “Bro” tawag nito kay Seb. Tumayo naman agad si Sebastian at nagsilapitan silang lahat dito. “Natanggal na namin ang bala na tumama sa ulo niya, but he need blood transfusion, sa dami ng dugo

