TWENTY SIX “Hindi ko siya magugustuhan dahil hindi siya ang tipo ko. Hindi siya katulad ng unang minahal ko”. Mga katagang paulit-ulit na pumapasok sa isip ni Reiyhan. Ngayon alam na niyang hindi siya kailanman magugustuhan ni Hans. Pababa sana siya ng hagdan dahil nakalimutan niya ang bag niya sa sasakyan ng may marinig na nag-uusap sa baba kaya hindi siya tumuloy sa pagbaba at hindi nga niya sinasadyang marinig ang sinabing yuon ni Hans. She felt a pang on her chest when she heard that words. “Tssss, she smiled bitterly. “Oh, well what do you expect from him Reiyhan, natural hindi mo malalampasan ang unang minahal niya. “pero sino kaya ang una nitong minahal? Kunot noong tanong niya sa sarili. Nakarinig siya ng mga yabag na mukhang patungo sa kwarto niya kaya nahiga siya at niyakap

