Kabanata 4

1399 Words
Humimpil ang taxi sa harap ng bahay ng mga Sinclair, kung saan siya nagtagal nang ilang taon. Kinuha niya ang kanyang maleta saka tumayo malapit sa pinto. Takot siyang pumasok. Nang umalis siya para sa honeymoon ay hindi sila nagkasalubong dahil magkakasama sila nila Elena sa bahay nina Adrien. Pero ngayon ay natatakot siyang baka nasa bahay na nga ang mga ito. Kinuha niya ang susi mula sa kanyang bag at binuksan ang pinto nang maingat upang hindi makalikha ng ingay. Binitbit niya ang maleta at marahang pumasok sa kanyang kwarto. Nang buksan niya ang pinto ay napanganga siya nang mapansing wala na ang mga gamit niya roon. Na para bang hindi siya kailanman tumira roon. Wala ni bakas ng kanyang mga gamit. Tumingin siya sa labas ng bintana patungo sa interior patio. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang kanyang underwear na nagkalat. Itinatapon ni Elena ang mga iyon sa apoy, habang ang kanyang mga magulang ay tila natutuwa pang pinagmamasdan ang ginagawa ng kanilang anak. Lumabas siya ng kuwarto para bumaba. Ngunit napahinto siya nang marinig ang kanilang pag-uusap. “Bobo ka talaga, pagkatapos ng napakahabang paghihintay mong maikasal sa kanya, saka ka naman hindi dumating. Matapos ng lahat ng ginawa mo para makuha sa lalaking iyon,” ang sabi ng kanyang ama. “Natakot lang ako na malaman ni Adrien na buntis ako, kaya’t hindi ako pumunta para maantala ang kasal, para magkaroon ako ng oras na magawan ng paraan iyon. Kapag napatunayan kong hindi nga ito kanya ay maaaring nasa business trip na siya. Pero hindi niya inaasahan na ikakasal siya kay Valeria. Ang walang utang na loob na babaeng iyon!” “Isipin mo kung ano’ng nararamdaman namin noong nasa simbahan kami. Maging kami ay sobrang nagulat. Parang naging isang malaking eskandalo ang nangyari.” Hindi makapaniwala si Valeria sa kanyang mga naririnig. Lumabas siya sa patio at nagkunwaring wala siyang narinig. Isa-isa niyang pinulot ang kanyang mga damit. “Nandito ka na palang walanghiya ka!” sigaw ni Elena. Lumapit ito sa kanya at hinila ang kanyang buhok. Inagaw ang mga gamit na hawak niya saka ibinato sa kung saan. Sinubukan niyang itulak si Valeria patungo sa apoy, ngunit hindi siya natinag. Lumapit si Ramses, ang ama ni Elena, upang tulungan siya, sinampal nito si Valeria saka sinipa. “Tinrato ka namin nang tama at inaruga, tapos ito lang ang igaganti mo sa amin? Ang agawin ang nobyo ng anak ko?!” galit na galit na sumbat ni Ramses. Napahawak si Valeria ang kanyang pisngi na sinampal nito. Nanginginig ang kanyang mga kamay. Ramdam niya ang hapdi sa kanyang pisngi at ang galos sa kanyang tuhod nang pagkatapos  niyang matumba. “Lumayas ka na sa pamamahay namin!” sigaw naman ni Emma, ang ina ni Elena. Lumapit ito Valeria saka dinuro siya. “Ikaw na walanghiyang haliparot ka, ewan ko lang kung ano ang mangyayari sa ‘yo oras na malaman ng nanay mo ang kawalanghiyaang ginawa mo. Mas masahol ka pa sa hayop!” Takot na takot, tumayo si Valeria at lumayo sa kanila. Sinubukan pa niyang kunin ang ilang mga mahahalagang gamit niya ngunit pinigilan siya ni Elena. Nag-aagawan sila hanggang sa nagtagumpay ang huli. Walang habas na pinagtatapon niya ang mga ito sa apoy, kasama ang diary niyang pinakamahalaga sa kanya, at ang mga gamit na pinaghirapan niyang mabili. Nang makita ni Valeria na sinusubukang itapon ni Elena ang tanging natitirang litrato ng kanyang ama ay agad niya iyong sinubukang agawin kay Elena. Ito lamang ang nag-iisang litrato ng kanyang ama na ipinagkatiwala ng kanyang ina upang magbigay-lakas sa kanya. Ngunit huli na para maisalba niya iyon dahil tuluyan na itong nahulog sa apoy. Umagos ang mga luha niya habang tinitingnan itong unti-unting naging abo. Nilapitan niya si Elena na puno ng galit saka  sinuntok ang kanyang mukha. Nagulat silang lahat sa ginawa niya. Hindi nila akalain na si Valeria na isang talunan ay magagawa iyon. Sinampal din siya ni Elena nang malakas. Lumaban si Valeria. Nang mapagtanto niyang balak siyang itulak ni Elena sa apoy ay ubod-lakas niya itong itininulak. Kaya naman nagawa niyang pagbaliktarin ang kanilang posisyon. Ngunit nang humiyaw ito sa sobrang init ay agad niya rin naming binitawan ang babae. Tinulungan niya itong makatayo. Napaso ang mga kamay ni Valeria, ngunit hindi kasing laki ng paso ni Elena. Dali-dali naming tumawag ng ambulansiya ang mga magulang ni Elena. “Tingnan mo kung ano’ng ginawa mo sa anak ko!” galit na untag ni Ramses saka dinuraan siya. Yakap nito ang katawan ni Elena. Tinignan ni Valeria ang kanyang mga kamay at tumayo. Narinig ang mga sirena ng ambulansya at nang tumingin si Valeria sa likuran ay nakita niya si Emma ay papalapit sa kanya na hawak na pamalo. Nanakbo siya at dumaan sa gitna ng bahay. Hindi na niya nabalikan ang dala-dala niyang maleta kanina. Kinuha niya ang pagkakataong makatakas nang papasok na ang paramedics para kunin si Elena. Pinara niya ang pinakaunang taxi na dumaan at lumayo sa lugar na iyon nang hindi alam kung saan siya patungo. Alam niyang mali ang lahat. Lalo pang gumulo ang sitwasyon. Alam niyang walang ibang maidudulot sa kanya ang pagpapakasal kundi ang matinding gulo.   Nagpasya siyang pumunta sa ospital upang maipagamot ang kanyang mga kamay, dahil sa mga pasa na kanyang natanggap. Pumila siya sa emergency room. Pero dahil sa dami ng tao at hindi naman gaanong malubha ang kanyang kalagayan, ay pinaantay lang siya. Tumayo siya nang makita si Adrien na papasok sa emergency room. Natagpuan niya ang sariling lumalapit ditto, ngunit nang magtagpo ang kanilang mga paningin at awtomatikong gumuhit ang galit sa mga mata nito ay napagtanto niyang hindi siya ang pinuntahan nito kundi si Elena. Akma siyang lalayo ngunti mabilsi siyang hinaklit ni Adrien sa braso saka hinila sa tabi, palayo sa mga tao. “Kapag may mangyaring masama kay Elena, magbabayad kang malandi ka. Hindi pa ba sapat na umuwi ka para sabihin kay Elena na ikaw ang pinakasalan ko? Kailangan mo pa ba siyang sunugin? Ganoon ka ba talaga kasamang tao? Ipakukulong kita! Hindi ko hahayaang ganito ang aabutin ng mga Sinclair. Binalaan na kitang hinding-hindi kita poprotektahan laban sa kanila!” aniya. Basta na lamang siya nitong itinulak kaya nawalan ng balance si Valeria at natumba sa sahig. Pagkatapos niyon ay nawala si Adrien sa gitna ng mga tao. Hinahanap ang kanyang minamahal na si Elena. Pagkiramdam ni Valeria ay mas masakit pa ang sugat sa kanyang puso kaysa sa natamo niyang paso. Walang lakas siyang tumayo. Kinamumuhian siya ng tanging lalaking minamahal niya kagaya dati, at sa ngayon ay tila mas kinamumuhian pa nga siya nito. Lumabas siya roon na may benda sa kamay, para lang makita si Emma Sinclair na naghihintay sa kanyang labasan. Hindi nag-atubiling lumapit ito sa kanya at sinampal siya. Bukod sa hindi niya maipagtanggol ang sarilidahil sa mga nakabenda niyang kamay ay hindi rin niya kayang lumaban kay Mrs. Sinclair, na siyang nagbukas sa kanya sa kanilang tahanan. Habang nakalupagi sa sahig ay dinadaanan lamang siya ng mga tao na luhaan at puno ng alikabok. Tumigil si Emma sa paghampas sa kanya. Paulit-ulit naman siyang humingi ng patawad ngunit sinampal lang siya ulit nito gamit ang kanyang hand bag. May mas Malala pa bang mangyayari kay Valeria? Sa dami ng masasamang bagay na nangyayari sa kanya, tila normal na masagasaan siya ng sasakyan, mabugbog, o maging mapatay. Pero hindi niya lubos akalain ang mga nangyaring masasama sa kanya. Tumigil si Emma at kaya nagawang tumayo ni Valeria. Ngunit nakita niyang lumabas si Adrien na tulak-tulak ang wheelchair kung saan nakaupo si Elena. Nagulat sila nang biglang sumigaw si Elena nang makita siya, na tila may trauma itong takot sa kanya. Iniwan ni Adrien ang silya sa kamay ni Ramses at pumunta kay Valeria. “Bakit ka pa nandito?” Tiningnan niya ang maruming suot ni Valeria, ang nakabenda nitong kamay.  Gumuhit ang galit sa mukha ni Adrien. “Umalis ka na! Natatakot sa ‘yo si Elena.” “Adrien, magpapaliwanag ako sa nangyari.” “Huwag mo akong tawaging pangalan ko! Sana hindi ko na makita ang pagmumukha mo!” “Pero...” Tiningnan niya ito sa mga mata. Naginginig sa takot. Tiningnan niya rin ang pamilya Sinclair na nasa likod. Nagpasya siyang umalis na lang. Napagtanto niyang wala siyang karapatan o halaga roon, sa pamilya Sinclair at maging sa lalaking iyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD