Dalawang linggo pa lang pero pagod na siya sa trabaho. Nasanay na yata siya sa trabaho sa opisina. Pansamantala lang ito hanggang sa nakahanap na siya ng mas maganda at akma sa career niya pero kailangan niyang tanggapin ang una niyang nahanap para hindi matunaw ang ipon niya. Malaki ang hinihingi ni nanay at nag-e-expect pa siya ng baby kaya kailangan niya ring magtipid. Ito ang una niyang pinili. Pagkasara ng kahon, kinse minutos makalipas ang hatinggabina sa kabutihang palad ay walumpung minuto lang ang tagal ng huling pagtatanghal, nasimulan na niyang kolektahin ang kanyang mga gamit. “Valeria, aalis na ako. Tutulungan ka ni Luis na isara ang pinto,” paalam ng kasama niyang si Belén. “Sige. Mag-ingat ka. Tumawag na ako sa taxi.” “Ikaw rin. Sasamahan ka ni Luis hanggang sa dumating

