Volcanoes NAIILANG AKO sa matagal niyang paghawak sa kamay 'ko. Gusto kong tanggalin ngunit mas nararamdaman ko pa lalo ang paghigpit ng hawak niya. Nananatili akong nakayuko at ramdam ko ring nakatitig pa rin siya sa akin ngayon. "D-Devon... 'yung kamay ko," pilit akong ngumiti sa kanya. Napailing siya at dagliang tinanggal ang pagkakahawak niya sa'kin. "Sorry Andree," tanging sambit niya at napalingon sa kawalan. Hindi ko na lang sinundan ang paghihingi niya ng pagsisisi. I don't want to make it long. Sa tantya ko'y matagal tagal din kaming nakaupo sa sofa. Kung dapuan lang sana 'ko ng antok, kanina pa 'ko rito nakatulog. I indeed miss sleeping! "U-uh, Devon? Do you think how long we'll stay here? I'm just curious, though." tanong ko. Kumibit balikat siya. Kitang kita ko ang kakis

