Napatitig nang mabuti si Diana sa babaeng kaharap niya na nagngangalang 'Willa' ayon sa narinig niya mula mismo sa bibig nito. Sumulpot sa isip niya ang alaala noong nakita niya ito. Ang araw na kasama niya ang boss niyang si Paulo. Napagtanto na rin niya na kapatid nga ito ni William. Sa unang tingin ay hindi mahahalatang magkapatid ang dalawa ngunit kung tititigang mabuti ay saka lamang malalaman. May kaibahan nang kaunti ang mukha ni Willa sa mukha ng kuya nitong si William. At parehong may nananalaytay sa lahi ng mga ito na kagandahan o kagwapuhan. "What? Did I startle you?" Natauhan si Diana nang magsalitang muli ito sa kanya. Tinaasan pa siya nito ng isang kilay habang naka-crossed arms pa rin at parang gusto siya nitong patayin sa pamamagitan ng mga titig nito. Napangisi siya ri

