Nahagip ng mga mata ni Willa sa may sidewalk ang dalawang pamilyar na babae. Kita niyang parang may hindi pagkakasundo ang mga ito. Mas nakilala niya ang mga ito nang dumaan ang kanyang kotse rito. Inihinto niya ang kotse sa may unahan at dali-daling lumabas dito at tumakbo palapit sa dalawa. "Ate Gianna! Diana!" sigaw niya sa mga ito. Nakuha na rin ni Gianna ang sariling kamay mula kay Diana. Nakita ni Willa ang pamumula rito dulot ng pagkakahawak ni Diana. "Ano'ng ginagawa mo kay Ate?" galit niyang sumbat kay Diana. "Wala naman," matapang na tugon nito. "Sinasabi ko lang sa kanya ang dapat niyang malaman." "Na buntis ka at si Kuya William ang ama ng dinadala mo?" Napangisi si Willa. "Sinungaling! Hindi si Kuya ang ama ng dinadala mo! Desperada ka lang na malandi ka—" Sabay na nagulat

