Tahimik lamang na nagmamasid si Diana kina Yuan at Gianna na ngayon ay nakalabas na nang tuluyan mula sa bar. Naririnig naman niya ang boses ng mga ito dahil malapit lamang siya. "Gianna?" ani Yuan kay Gianna. "Yes, boss?" ganti naman ni Gianna. "Nasa'n na 'yong kotse mo?" tanong ni Yuan nang tuluyan na silang makalabas sa bar. Nililibot pa ang mga mata upang hanapin ang kotse ni Gianna. "Hmm... I forgot eh," pikit-matang buwelta ni Gianna sabay kurot sa kanang pisngi ni Yuan. "Aray naman!" Bumiling si Yuan sa kaliwa matapos dumaing. Kinilig man nang kaunti pero itinago na lamang niya iyon. Nacu-cute-an siya sa ginawa ni Gianna at sa kinikilos nito ngayong nalalasing. Kung sana'y naging sila o kaya'y walang asawa si Gianna, ituturing niya talaga itong parang girlfriend o aastang paran

