Kahit medyo masakit pa ang katawan, pinilit ni Diana ang pumasok sa trabaho. Maswerte naman siya at hindi ganoon karami ang trabahong ginawa niya. Kaunting beses lang din siyang inabala ng boss niyang si Paulo. Lumipas ang ilang mga araw, unti-unti na ring nawawala ang sakit na nararamdaman niya sa katawan. Ngunit sa biglaan ay nakaramdam siya ng pagod. Tinatamad siyang bumangon sa kama. Pakiramdam din niya ay para siyang lalagnatin. Nagpasya na lamang siyang tumawag sa opisina para sabihing hindi siya makakapasok. Napabalikwas naman siya nang makadama siya ng pangangasim ng sikmura. Kaagad siyang tumungo sa banyo upang dumuwal sa toilet bowl. Nang medyo kumalma na ay naghilamos at nagsepilyo na siya. Nagtataka naman siya kung bakit nangyayari ito sa kanya. Pakiramdam pa niya ay parang

