"Wow! Ang dami naman ng suha!" Bulalas ko ng makapunta kami sa supermarket. May iba't ibang prutas ang nasa stall. "Kunin mo lahat ng gusto mong kainin." Utos ni Daemon. Siya ang may dala ng push cart. Kumuha ako ng napakaraming suha. Langka at Durian. Kumuha rin ako ng manggang hilaw dahil gusto rin ng bibig ko ng sobrang asim. Wala akong ideya kung bakit sobra yung cravings ko. "Ito na ba lahat? Wala na ka ng ibang gusto?" Tanong pa ni Daemon. Tumitig lang ako sa kanya. Napakunot naman ang noo niya. "Para saan naman ang paninitig mo?" May pagtatakang tanong niya sa akin. "Hindi ka na ba galit sa akin?" Nangungusap ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya ng diretso. Medyo nakatingala pa ako dahil sa tangkad niya na umabot kang ako sa tapat ng balikat niya. Dinig ko ang pag bunto

