"N-nasan ako?" Munting tanong ni Taliyah sa sarili. Pinagmasdan niya ang paligid. Wala siya sa tinutuluyan niyang kwarto. Napahawak siya sa ulo niya ng makaramdam ng munting kirot. Napahawak sa tiyan ng tumunog iyon. Gutom na naman siya. Kahit hindi alam kung nasaan siya ay pinilit niyang bumangon mula sa pagkakahiga. Mabigat ang pakiramdam niya at nakakaramdam ng pagkahilo. "You're awake.." rinig niyang sabi ng isang baritonong boses na tila pamilyar sa kanya. Lumabas ito mula sa dilim at ng unti-unting nasilayan ang mukha ay natigilan si Taliya sa tangkang paghakbang. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito–? "FYI.. bahay ko to." Sabi nito habang nakangisi. "B-bakit ako naririto? Nasaan si Daemon? Si Lucy? Si Reggie?" Kinakabahan na tanong niya. Nangangatal na rin ang bibig niya at halos mau

