"Regie?" Halos napasigaw ako ng makita ko ang kalagayan niya. Nakatali ang kamay at paa niya, nakapiring ang mga mata at may busal ang bibig. Kaya pala nahihirapang ungol lang ang naririnig ko. Agad ko siyang dinaluhan, inuna kong tanggalin ang piring niya para makita niya ako. Kita ko ang gulat sa mga mata niya pero hindi ko muna siya pinansin. Sinunod ko ang nakalagay sa bibig niya. Narinig ko ang mahabang paghinga niya na nanggaling sa bibig. "Tali, bakit ka nandito? Sinong nagdala sayo dito?" Naguguluhan na tanong niya. Maging ako naman ay gulong-gulo narin ang isip. "Mamaya na ako magkukwento sayo. Sa ngayon ay kailangan ko munang matanggal itong tali mo sa kamay at paa para makatakas na tayo dito." Hindi ako magsasayang ng oras para mapakawalan siya. Medyo nahihirapan ako sa tali d

