Batid kong nakita niya ako pero dinaanan lang ako ng mga mata niya at hindi pinansin. Nasaktan ako sa ginawa niya. Nais kong umiyak pero positibo pa rin ang inisip ko na baka naman kaya hindi niya ako nakilala ay dahil sa itsura at kasuotan ko ngayon. Iyon na lang ang itinatak ko sa isipan ko. Umupo kami ni Regie sa pandalawahang table na may nakalagay na "Reserved for Regie and Angelic" kung ganun ay hindi pala dapat ako ang kasama niya sa party na ito kundi si Angelic? Sino naman si Angelic? Girlfriend niya kaya? Bantay-sarado ako ni Regie at hindi ako binibigyan ng pagkakataon na mahiwalay sa kanya. Kahit may kausap siya ay laging nasa akin pa rin ang mga mata niya. Siya narin ang kumukuha ng pagkain para sa akin. Lahat ay alay niya kaya hindi ko na magawang umalis sa aking pwesto

